FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
‘Di ako tuta -- Nograles
ni: Bernard Taguinod
 

Binasag na ni House Speaker Prospero Nograles Jr., ang kanyang pananahimik hinggil sa mga alegasyon na magiging “puppet” lamang ito ng Malacañang.
“I am not a puppet of Malacañang nor a lapdog of anyone. I will not lick the foot of anyone. I have a mind of my own and I will prove it to you,” pahayag ni Nograles sa isang forum kahapon.

Ginawa ni Nograles ang naturang pahayag dahil sa mga alegasyon na ang Malacañang ang nagluklok sa kanya bilang ika-apat na pinakamataas na lider ng bansa ngayon.

Sa privilege speech ni Pangasinan Rep. Jose de Venecia, ang mga mahal sa buhay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang tinukoy nitong nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya.

Dahil dito, natatakot ang marami na lalo pang maging sunud-sunuran ang bagong liderato ng Kamara sa Malacañang.

Kinontra ito ni Nograles at bilang patunay, sinabi nitong tuloy ang kanyang posisyon laban sa Charter Change (ChaCha) at hindi ito papayag na maamyendahan ang Saligang Batas hanggang matapos ang 2010 presidential election.

 

Microsoft Internet Explorer 7