FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
 
Kongresista tinarget ang dyowa ng sekretarya
ni Bernard Taguinod

Nakikihati sa pag-ibig ang isang kongresista matapos makisalo sa pag-iibigan ng dalawang kabataan sa kanyang lalawigan na kinakatawan nito sa Mababang Kapulungan.

Ito ang natuklasan ng DPA ng TONITE ukol sa mambabatas na ito na hindi malaman kung may asawa o wala subalit isa siyang Eba na nagkatawang Adan lamang.

Sa report na nasagap ng DPA ng TONITE, mayroong isang secretary ang kongresista na may pamangkin na babae na minsang niyang isinama sa kanyang tanggapan sa kanilang lalawigan.

Nagkataong isinama ng pamangkin ng secretary ng kongresista ang kanyang kasintahan nang panahong iyon kaya naispatan ng mambabatas ang batambatang lalake.

Noong una, inakala ng marami na ang pamangkin ng kanyang secretary ang kursunada ng mambabatas subalit nagkamali ang lahat na ang boyfriend pala nito ang kanyang puntirya.

Sa hindi malamang dahilan at kung papaano nagawa ng mambabatas, napalapit ang matanda sa kasintahan ng pamangkin ng kanyang secretary at dahil matapos ang kanilang pagtatagpo ay lagi na silang nagkikita.

Hindi ito alam ng girlfriend ng lalake na sumasama ang kanyang kasintahan sa kongresista subalit dahil maliit lamang ang kanilang lalawigan ay nagkabukuhan ang mga ito.

Ipinaliwanag daw ng lalake na ang pagsama-sama nito sa kongresista ay para makapagtrabaho subalit kalaunan ay natuklasang malaki pala ang pagkakagusto ng mambabatas sa kanyang kasintahan.

Noong una ay hindi matanggap ng pamangkin ng secretary ni Congressman na nakikihati sa kanya ang mambabatas subalit sa kalaunan ay naging praktikal na rin ito.

Maliban dito, takot ang pamangkin ng secretary ni Congressman na mawalan ng trabaho ang kanyang tita bukod sa maimpluwensya ang nakikihati sa kanyang pag-ibig sa iisang lalake.

Clue: Si Congressman ay mula sa isang maliit na lalawigan lamang. Hindi malaman kung may asawa o hindi pero ang alam ng marami ay nag-iisa siya sa buhay. Mayroon siya inisyal na M as in Maganda ang tingin sa kanyang sarili imbes na guwapo.

 

Microsoft Internet Explorer 7