Nagpa-prenatal check-up si Jennylyn Mercado sa St. Luke’s Hospital nu’ng Martes. Magtatatlong buwan na ang ipinagbubuntis niya.
Okay ang baby, ayon sa obserbasyon ng doktor. Kaso, hindi nabago ang timbang ni Jennylyn gayung magtatatlong buwan na ang dinadala niya.
Binigyan si Jennylyn ng marami pang vitamins para madagdagan ang timbang niya.
Mahilig kumain ngayon si Jennylyn kaya pinagbibigyan lahat ng gusto niyang kainin.
Kasama ni Jennylyn si Patrick Garcia na nagpa-checkup. Laging nakabantay si Patrick kay Jennylyn. Sila pa rin at hindi totoong hiwalay na sila.
Samantala, mapapanood sa Startalk sa Sabado ang mga pahayag ng ina ni Patrick Garcia na si Celeste Garcia tungkol sa isyu pa rin ng kanyang anak at ni Jennylyn.
Inamin ng ina ni Patrick na masama ang loob niya kay Mommy Lydia ni Jennylyn dahil sa mga pahayag nito sa Startalk na sinisisi si Patrick sa hindi pagdalo ni Jennylyn sa presscon ng pelikula nina Jennylyn at Jacky Woo.
Ayon kay Mrs. Garcia, hindi totoo ang mga sinabi ni Mommy Lydia dahil sila pa raw ang naghatid kay Jennylyn sa church service nila ni Patrick.
Aware daw ito kung saan pumunta ang dalawa kaya bakit parang lumalabas na itinakas daw ito ni Patrick.
Nakausap namin ang mommy ni Jennylyn pero ayaw na niyang magsalita dahil napapagalitan na raw siya ng kanyang anak.
Para sa ikatatahimik nina Jennylyn at Patrick, mas mabuting manahimik na lang daw siya.
Nilinaw ng ina ni Patrick na wala silang problema kay Jennylyn at welcome ito sa bahay nila.
Kahit madalas ang pag-aaway nina Patrick at Jennylyn, tinitiyak nitong sila pa rin at walang hiwalayang nangyari.
***
Ngayong araw ay haharap muli si Manay Lolit Solis sa piskalya ng Manila City Hall para sagutin ang counter-affidavit na isinumite nina Piolo Pascual at Sam Milby.
Nangako ang mga alaga ni Manay Lolit at ilan pang mga kaibigan sa showbiz na susuportahan nila ito sa pagpunta sa Manila City Hall ngayong araw.
Kung suportado ng mga Kapamilya talent ang pagpunta noon nina Piolo at Sam, mukhang hindi pahuhuli si Manay Lolit dahil nandiyan din ang suporta sa kanya ng mga Kapuso talent.
Ang dinig namin, matindi ang isusumiteng rejoinder ni Manay Lolit dahil sagot ito sa affidavit ng mga humarap na witness nina Piolo at Sam.
***
Kung napanood n’yo ang SiS kahapon, tiyak na magdududa kayong may gap pa rin sina Marian Rivera at Katrina Halili.
Promo ng My Bestfriend’s Girlfriend ang episode ng SiS kaya nandu’n ang buong cast ng naturang pelikula pero late na dumating si Marian.
Hindi kasali si Katrina pero nandu’n din siya para mag-promote ng kanyang FHM February 2008 issue at ang fashion show niya sa February 14 nang 9:00 PM sa Serve, Araneta Center, Cubao, QC.
Nagbiro sina Gelli de Belen ng tipong, “Naku! Tinatanong ni Angelika (Katrina), bakit nandito daw si Marimar (Marian)!”
Biglang sumagot si Marian ng, “Kasi may movie ako, ‘di ba? Ayan o! (Sabay turo sa background ng layout ng pelikula) Movie ko iyan! Kaya nagpu-promote ako, kasi, movie ko iyan, ‘di ba?”
Hindi na nakasagot si Katrina, pero halatang napikon ang seksing young actress na parang nababasa namin sa mukha niyang, “Wala namang umaako sa movie mo. Sa ‘yo na ‘yan!”
Hindi maitago sa mukha ni Katrina na nairita siya sa sagot ni Marian, kaya hindi na siya nagsalita at napangiti na lang.
Nagtakip na lang si Richard Gutierrez ng bibig niya na parang nabigla rin sa sagot ni Marian. Natahimik na lang sina Gelli at hindi na nagpatuloy ng ganu’ng biro.
Siyanga pala, sa Linggo na ang premiere night ng movie ni Marian Rivera na My Bestfriend’s Girlfriend sa SM Megamall at sa February 13 ang regular showing nito.
***
Bongga si Paolo Contis kung mag-pamper sa girlfriend na si Isabel Oli.
Nu’ng Sabado ay nag-celebrate sila ng kanilang anibersaryo dahil two years at one month na ang kanilang relasyon.
Buong araw na nag-bonding ang dalawa, pero ang pinaka-surprise ni Paolo kay Isabel ay isang Goyard bag na mahigit P100,000 ang halaga.
Shocked si Isabel dahil hindi raw niya akalaing magkakaroon siya ng ganu’n kamahal na bag.
Okay lang kay Paolo na magmukha siyang sugar daddy kung gumastos kay Isabel dahil ganu’n niya ito ka-love.