FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Higanteng halimaw
 
 

Huling Huwebes na ng Zaido, Pulis Pangkalawakan sa GMA 7, at muling nabuo ang mga Zaido.

Lalabanan ng mga Zaido si Le-Ar.

Susundan ng mga Zaido ang kalaban sa Time Space Warp. Haharapin nina Zaido Red at Zaido Green si Ida.

Si Zaido Blue ang makakalaban ni Le-Ar.

Magiging higanteng halimaw si Le-Ar. Gagamitin ni Zaido Blue ang Avilo.
Magiging robot ang space ship at kokontrolin ni Zaido Blue upang labanan ang higanteng Le-Ar!

***

Itinanggi ni Sam Milby ang tsismis na may anak na siya sa presscon ng My Big Love kahapon sa Annabel’s.

Hindi raw totoo na nabuntis niya ang sister ni Uma Khouny.
Nagkausap na raw sila ni Uma tungkol sa bagay na ito.

Sakaling may maanakan siya, bilang lalaki ay magiging responsible raw siya sa anak niya.

‘Yun na, DJ Mo!

***

Babalik ang Baywalk Bodies sa Baywalk Roxas Blvd.
Lilikha na naman kaya sila eskandalo?

Magpe-presscon ang Baywalk Bodies kaugnay sa kanilang Valentine show bukas nang tanghali sa Baywalk.

 

Microsoft Internet Explorer 7