FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
‘My Funny Valentine’ bukas
ni:Jun Lalin
 

Bukas na ang My Funny Valentine show na prodyus ni Annabelle Rama sa Crowne Plaza Hotel, pero hanggang kahapon ay marami pa ring pagbabago sa show.

“Gusto ni Direk Al (Quinn) na lalong pagandahin ang show sa Biyernes,” sey ni Bisaya.

“Idinagdag ko na ang SexBomb sa line-up ng performers para hindi lang puro kantahan kundi may sayawan din.”

Nadagdagan ang production number ni Diana Zubiri dahil magsasayaw siya kasama ang SexBomb.

Sina Ogie Alcasid, Ai Ai de las Alas at Verni Varga ay pare-parehong nagdagdag ng mga kanta dahil sa request ni Bisaya.

“Gusto ko kasi, hindi lang sa pagkain masarapan at mabubusog ang mga manood. Gusto ko na mag-enjoy sila sa show.

“Mas maganda kasi kung mas maraming kakantahin sina Ogie, Ai Ai at Verni,” sey ni Bisaya.

Pare-parehong nangako ang tatlo kay Bisaya na todo-perform ang gagawin nila sa Biyernes.

Dagdag pa ni Ai Ai, ikaloloka ni Bisaya ang isusuot niya sa kanyang opening number.

Gaano kaya ka-sexy ang outfit ni Ai Ai para sa kanyang opening number?

***

Kahapon ay naimbitahan ako sa My Big Love movie presscon ng Star Cinema.
Sina Sam Milby, Toni Gonzaga at Kristine Hermosa ang mga bida sa My Big Love.
Panay ang tukso sa akin ng entertainment press na naimbitahan sa presscon na ‘yon.

Dapat daw ay kasali ako sa My Big Love dahil ang role ni Sam sa pelikulang ‘yon ay mataba. Parang kasintaba ko, huh!

Biro ng entertainment press, baka sa akin raw kinopya ang istorya ng My Big Love. Sey ko naman, hindi bading ang role ni Sam sa pelikulang ‘yon, kaya imposible naman.

 

Microsoft Internet Explorer 7