FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Dalagita nabaril sa riot
Ni Aries Cano
 

Nasapul ng ligaw na bala ang isang dalagitang estudyante matapos mai­pit sa dalawang nagrambulang grupo ng mga kabataan na pawang mga miyembro umano ng magkalabang street fraternity sa Maynila kamakalawa.

Isinugod at patuloy na ginagamot sa Tondo Gene­ral Hospital ang tinamong tama ng bala ng baril sa balikat ng biktimang si Reggie N. Brazas, 13, high school student, ng Juan Luna St., Tondo.

Base sa inisyal na pagsi­siyasat ni SPO2 Bienvenido Uy ng Manila Police District-Station 1, dakong alas-nuwebe kamakalawa ng gabi nangyari ang insi­dente sa isang iskinita malapit sa isang punerarya sa Gagalangin, Tondo.

Bigla na lamang uma­nong sumiklab ang gulo matapos mag-riot ang dala­wang grupo ng mga kabataan na miyembro umano ng street frat.

Wala naman sa hinagap ng biktima na maiipit ito sa gitna ng bakbakan dahil naglalakad lamang umano ito at pauwi na ng bahay kasama ang dala­wang kaibigan.

Nasa kasagsagan umano ng rambulan nang big­la na lamang umanong magpaputok ng baril ang isang Rannie Buenaventura, tinatayang nasa 14 hanggang 15 ang edad at residente umano ng Pilar St., Hermosa, Gagalangin, Tondo at miyembro ng isa mga nakipag-riot na frat.

Nagkubli ang dalagita pero nahagip pa rin ito ng bala. Mabilis namang nagtakbuhan ang mga nagsagupang grupo matapos umalingawngaw ang pu­tok ng baril.

Sinasabing kargado ng maigsing baril at ikinasa pa umano ni Buenaventura ang kargada nito bago tuluyang umeskapo.

 

Microsoft Internet Explorer 7