FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
3 wanted timbog
Ni Aries Cano
 

Bumagsak sa mga ope­ratiba ng Manila Police District-Station 2 ang tatlong lalaki na pawang wanted umano sa kasong frustrated homicide matapos matiyempuhan habang magkakasamang nakatambay sa isang basketball court sa Maynila kahapon ng hapon.

Kasalukuyang nakapiit ang mga nasakoteng akusado na nakilalang sina Joel G. Panuncio, 20, vendor, ng 284 Tuazon St., Tondo, Maynila; Welan P. Poliarco, 22, binata, pedicab driver, taga-1246 Mithi St., Tondo, Maynila; at Aristotle M. Ramos, 20, binata, walang trabaho, ng 288-I. Tuazon St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Station 2, dakong ala-1:40 kahapon ng hapon nang madakip ang tatlo ng mga pulis sa basketball court ng Kasipagan St., Tondo sa bisa ng warrant of arrest na ipina­labas ng Manila Regional Trial Court Branch 38.

Kasama umano ng biktima na si Oliver M. Baltazar, 19-anyos, ang kanyang ina ay humingi sila ng tulong sa mga pulis upang ipahuli ang tatlo.

 

Microsoft Internet Explorer 7