FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Misis nag-suicide sa harap ni mister
Ni Lily Reyes
 

Isang ginang na hirap na umano sa buhay ang nagpakamatay sa harap mismo ng kanyang mister sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kahapon ng umaga sa loob ng kanilang pamamahay sa Malabon City.

Bagama’t pinagsikapang isugod sa ospital, hindi na rin umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang nasawing ginang na kinilalang si Reliza Garcia, 52-anyos at naninirahan sa Estrella St., Barangay Tañong, ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Robert Miclat ng Malabon Police, bandang alas-nuwebe kahapon ng umaga magkaharap ang ginang at ang kanyang mister na si Jose sa loob ng kanilang bahay.

Habang kaharap ang kanyang asawa, bigla na lamang umanong tinungga ni Reliza ang isang bote na may laman na silver cleaning solution.

Agad na sinunggaban ng mister ang bote ngunit nakainom na umano ang misis nito kung kaya’t dali-daling isinugod sa nasabing pagamutan.

Ayon umano sa mga kamag-anak ng biktima, labis na depresyon ang dinadanas ng nasawing ginang dahil sa kakapusan ng pera.

Hinihinalang sanhi na rin ng hirap na dinaranas sa kanilang buhay kung kaya’t naisip marahil ng ginang na magpatiwakal na lamang.

 

Microsoft Internet Explorer 7