FEBRUARY 7, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Bank robbery sa QC pinagdudahang scripted
Ni Bernard Taguinod
 

Nagpahayag ng pagdu­duda ang isang militanteng kongresista sa nangya­yaring holdapan sa mga bangko sa lungsod dahil bigla umanong ipinasok ng Philippine National Police (PNP) ang planong magpakalat ng mga sundalo sa lansangan upang labanan ang mga naglipanang masasamang elemento.

Base, aniya, sa mga report, mga clean cut o pormang sundalo ang mga tumitira sa bangko kaya pinagdudahan ni Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño ang naturang plano ng PNP.

Ang naturang plano ng PNP ay kaugnay ng magka­kasunod na bank robbery sa Quezon City bukod sa mga panghoholdap sa lansangan ng mga kriminal na nakamotorsiklo.

“Hindi kaya scripted?” tanong pa ng kongresista dahil biglang papasok, ani­ya, sa eksena ang mga sundalo na walang background sa crime prevention tulad ng mga pulis.

Kinuwestyon ni Casiño ang plano ng PNP na magpakalat ng mga sundalo sa Quezon City na makakasama ng mga pulis sa pagpapatrulya dahil mistulang ipinapakita lamang umano ng pulisya na inutil itong lansagin ang mga kriminal sa lansangan kaya na­ngangailangan pa ng tulong ng AFP.

Ayon kay Casiño, masagwang tingnan ang planong ito ng PNP dahil luma­labas na hindi kaya ng mga pulis ang kanilang trabaho na pangalagaan ang kaligtasan ng mga tao.

“Mukhang ipinapa­kita lamang nila na hindi nila kaya ang mga kriminal kaya nagpapasaklolo sila sa AFP,” komento ni Casiño.

“Hindi dapat ang mga sundalo ang nandito sa Metro Manila kundi PNP na gumagawa dapat ng trabaho nila. Ang PNP ang may crime prevention duties at hindi ang AFP,” pahayag ni Casiño.

 

Microsoft Internet Explorer 7