| Nagpahayag ng pagdududa ang isang militanteng kongresista sa nangyayaring holdapan sa mga bangko sa lungsod dahil bigla umanong ipinasok ng Philippine National Police (PNP) ang planong magpakalat ng mga sundalo sa lansangan upang labanan ang mga naglipanang masasamang elemento. |
| Isang jeepney driver ang namatay makaraang pagbabarilin ng isang tanod sa loob ng barangay hall kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. |
| Isang ginang na hirap na umano sa buhay ang nagpakamatay sa harap mismo ng kanyang mister sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kahapon ng umaga sa loob ng kanilang pamamahay sa Malabon City. |
| Bumagsak sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 2 ang tatlong lalaki na pawang wanted umano sa kasong frustrated homicide matapos matiyempuhan habang magkakasamang nakatambay sa isang basketball court sa Maynila kahapon ng hapon. |
| Nasapul ng ligaw na bala ang isang dalagitang estudyante matapos maipit sa dalawang nagrambulang grupo ng mga kabataan na pawang mga miyembro umano ng magkalabang street fraternity sa Maynila kamakalawa. |





