Kahit pirmado na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Reproductive Health (RH) bill bilang isang ganap na batas, hindi dito nagtatapos ang 'giyera' sa RH law, babala ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Enrile, malalim ang sugat na nilikha ng debate sa RH bill sa Kongreso kung kaya't hindi agad ito maghihilom sa pagpirma ni Pangulong Aquino dito bilang ganap na batas. |