December 28, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


Sino si Hatton?
 
 

Tubong Manchester, England, si Ricky Hatton.
Manchester ang ngalan ng isang sikat na koponang futbol sa mundo. Ito ang mahigpit na kalaban ng Liverpool, ang industrial port city ng England na siyang pinanggalingan ng The Beatles.

Sino na nga ang Beatles?
Sino pa, e ‘di ang pinakamagaling na banda sa buong kasaysayan ng musika.
At si Hatton?

Siya na raw ang susunod na kalaban ni Manny Pacquiao. Ito’y sa Mayo 2, sa Las Vegas, Nevada.
Hindi pipitsugin si Hatton.

Siya ang kasalukuyan hari sa 140-lbs division.
Sa 46 niyang laban, isa lang ang talo ni Hatton. Ito’y laban sa Amerikanong si Floyd Mayweather, Jr.

Nagretayr si Mayweather matapos niyang patulugin si Hatton kamakailan lamang.
Matindi si Mayweather. Nagretayr siyang walang talo sa 39 fights.

Si Mayweather pa lamang ang ikalawang boksingerong nagretayr na walang talo.
Ang una’y si Rocky Marciano, ang world heavyweight champion nang siya’y magretayr. Panalo lahat ang kanyang 49 fights – 48 diyan ay puro knockout.

Sa kasamaang palad, namatay si Marciano sa plane crash noong Agosto 31, 1969.
Isa na ring alamat si Hatton, na papuntang Hall of Fame na rin katulad ni Pacquiao.
Noong Nobyembre 22, humugot siya ng TKO win laban kay Paul Malignaggi ng New York.

Maraming nagsabi na patutulugin niya si Mayweather.
Pero masyadong mailap at mabilis si Mayweather.
Walang kilos pakaliwa o pakanan si Hatton kaya’t pinaglaruan lamang siya ni Mayweather.

Samantalang si Mayweather ay kumpletong boksingero, si Hatton ay brawler. Slugger. Hindi umiikot. Walang atras. Puro abante.

Iyan ang paboritong kalaban ni Pacquiao: Iyong handang maki­pagbabagan. Basagan ng mukha.

Ngayon pa lang, Pacquiao ako.
Isang kahang San Mig uli, pare ko?

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES