ROME --- Rumatsada si Michael Phelps ng Estados Unidos, ang kontrobersyang space-age swimsuits at ang naestablisang 108 pandaigdig rekord na maaaring ‘di na mapantayan magpakailanman ang mga naging tampok sa taong ito sa larangan ng languyan.
Tinakluban ni Phelps ang may 36 na taon nang marka ng kababayang si Mark Andrew Spitz sa pagsisid ng walong medalyang ginto sa 29th Summer Olympic Games sa Water Cube sa Beijing, China noong Agosto. Gayundin ang pangatlong ginto ni Alain Bernard sa sprint sa 100-meter freestyle at ang pagwalis ni Rebecca Adlington sa 400 at 800m free ng Britanya sa nasabi ring palaro patungo sa pagtayong punong abala ng bansa nila sa 30th SOG sa 2012.
Noong Pebrero, pinasiyaaan ng Speedo ang gamit sa paglangoy na tinawag na LZR Racer, na dinisenyuhan sa tulong ng National Aeronautics and Space Administration ng Tate. Pumatok naman ito sa sport nang 18 world record ang naestablisa sa short-course World Championships noong Abril sa loob lang nang limang araw sa Manchester, England.
Tatlong world mark lang ang nailista sa naunang short-course worlds sa Shanghai, China may dalawang taon na ang nakararaan.
Sa pagtiklop ng taon, ang talaan ay lumobo 55 sa long-course world records at 53 sa short-course pool -- karamihan sa mga nakagawa’y suot ang LZR.
Unang kumilos ang International Swimming Federation o FINA sa paggamit ng high-trech suits sa paligsahan sa Manchester at pinangalandakan sa mga nagpanik na ibang gumagawa ng mga produkto na nakatalima sa mga patakaran ang nasabing makabagong kagamitan.
Ang head coach ng US Olympic team at matagal ng taga-Speedo na si Mark Schubert ay nagpunta kung saan-saan para paalalahanan ang kanyang koponan sa pagsusuot ng LZR sa US Trials. Napadpad siya sa tahanan niya sa panonood na lang ng Olympics sa NBC.
Noong Mayo, dinemanda ng nakabase sa California na TYR Sports ang karibal sa alegasyong pakikipagsabwatan sa USA Swimming sa ‘di pantay na kumpetisyon at pag-agaw sa kanilang mga pangunahing atleta.
Umiba ang ihip ng hangin sa USA Swimming matapos ang Olimpiada, tinawagan ang FINA sa paglimita sa high-tech suits para sa kabutihan ng sport, at may grupo ng 15 pambansang mga koponan na sumabak sa short-urse European Championships sa Croatia dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang pumirma ng protesta sa pakiusap din sa world governing swimming body na bumuo nang mas mabuting mga alituntunin sa regulasyon sa gamit na panlangoy na nabanggit.
Sumama na rin sa debate ang Australia noong nakaraang linggo lang. Tinawagan ang FINA na tumigil sa pag-apruba sa mga makabagong kasuotan at magpalabas nang mahigpit na mga batas sa swimmers sa paggamit ng nabanggit nang paiba-ibang suit.