December 28, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 

Kasalanang huling pinakawalan

 

Sinabi ni David sa Dios, “Ako’y nagkasala nang mabigat sa paggawa ko ng mga bagay na ito.” -- 1 Cronica 21:8

Sinabi ni Apostol Pablo na “linisin natin ang ating mga sarili sa bawat karumihan ng laman at espiritu” (2 Corinto 7:1). Kahit na sa tingin ng tao ay namumuhay tayo ng mali­nis at banal, maaaring sa espiritu ay nagtatago ng saloobing ‘di kalugud-lugod sa Dios. Dahil ang espiritwal na kasalanan ay ‘di nakikita, sa puso nakatago, inililihim ito nang mahigpit hanggang sa mabunyag sa panlabas na ugali.

Inilalarawan sa buhay ni David ang dalawang mukha ng kasalanan. Ang pita niya para kay Bathesba ay napunta sa pakikiapid at pagpatay (2 Samuel 11-12; Awit 32:5), nagbunga ng malaking pa­sakit sa buhay niya at kahihiyan sa bansang Israel. Pagkatapos, sa kanyang katandaaan, bumigay siya sa udyok ni Satanas na mag-sensus (1 Cronica 21:1-6. Itong tila inosenteng gawain ay hindi nakalugod sa Panginoon (tt. 7-8), dahil ipi­nagmamalaki ni David ang lakas ng pinangunguna­hang hukbo. Hindi na siya buong nagtiwala sa Dios na mahimalang nagligtas sa kanya at tila nalipat sa sariling lakas at kapangyarihan ang nagtiwala.

Sa panlabas na anyo, mukhang nagtatagumpay tayo laban sa kasalanan, ngunit dapat alisto tayong mahalata agad ang sariling espritwal na pagkakasala, lalo na ang pagmamataas. Maaaring ikatalisod natin ito, sa ating pagtanda, sa katapusang yugto ng ating paglalakbay sa buhay -- Dennis De Haan


Inihayag natin kasalanang lantad
Dahil ang pagtatago nila ay mahirap
Ngunit dapat iwasan at mag-ingat
Sa kasalanang pita ng laman at pagmamataas. -- Sper


 

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES