December 28, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
‘Wag magsamantala
EDITORIAL


Hindi pa man ganap na nakakarekober ang publiko sa mga nakalipas na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo ay panibagong pagtataas na naman ang ibinabad­ya sa pandaigdigang merkado.

Ang nakaambang pagtaas ay bunsod ng pagbabawas sa produksyon ng langis ng United Arab Emi­rates (UAE). Nauna nang nagbawas ng produksyon ang Saudi Arabia.

Napagdesisyunan ng mga bansang bumubuo sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksyon ng langis makaraang maabot ang pinakamataas na antas ng produksyon.

Nakakalungkot ang balitang ito, lalo na ngayong papasok ang taong 2009 sapagkat hindi pa naman talaga na-i-enjoy ng publiko at maging ng sektor ng transportasyon ang mga nakaraang pagbabawas sa presyo ng langis.

Bukod dito ay hindi pa nakakabalik sa dating presyo ang petrolyo sa bansa dahil tiningi-tingi ng mga kumpanya ng langis ang pagro-rollback ng halaga nito sa kabila ng mabilis na pagbulusok ng crude oil pri­ces sa world market.

Dahil sa ibinabadyang ito ng pandaigdigang merkado, huwag naman sanang magsamantala ang mga kumpanya ng langis at agad na magpatupad ng oil price increase.

Huwag naman sanang samantalahin ng mga local oil companies ang anunsyong ito bukod pa sa nakatitiyak tayong lumang suplay pa ng langis ang ibinibenta ng mga kumpanya ng langis kaya’t walang dahilan upang agad silang magpatupad ng pagtataas.

Kailangan ring kumilos ng gobyerno sa pangu­nguna ng Department of Energy (DOE) sa panibagong pagbabadyang ito upang masigurong protektado ang publiko mula sa mapagsamantalang mga kumpanya ng langis.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES