Pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko laban sa holiday-related stress.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque III karaniwan nang mas stressful ang holiday kumpara sa regular workdays pangunahing dahilan na rito ay ang shopping rush na nagreresulta sa pagbuhol-buhol ng daloy ng trapiko sa Metro Manila, gayundin ang pamamasyal kasama ang mga mahal sa buhay dahil na rin sa mahabang bakasyon.
Bunga nito sinabi ni Duque na dapat panatilihin ng publiko ang pagiging kalmado, ang masyadong holiday rush ay maiiwasan umano kung organisado at may schedule na sinusunod, sa kabila umano ng excitement sa holiday season ay dapat tiyakin pa rin na may dapat na pahinga at kumakain ng masusustansyang pagkain.
Dahil malamig sa buwan ng Disyembre ay karaniwan na rin ang pagkakaroon ng sakit na sipon at ubo, payo ni Duque ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at iwasan na ang masyadong malamig na inumin.
Iwasan din umano ang masyadong pagkain ng mga matatabang pagkain na karaniwan nang handa sa Bagong Taon, tiyakin umano na may mga prutas, isda at gulay na ihahain sa lamesa at isingit ang exercise upang manatiling malusog at iwas sakit.
|