December 28, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 

Traders winarningan sa presyo ng bilihin

(Noel Abuel)

 

Nagbabala kahapon si Department of Agriculture (DA) Secretary Arthur Yap sa lahat ng mga negosyante sa bansa na hindi sila mangingiming kasuhan at tanggalan ng lisensya ang mga ito sakaling magtaas ng presyo sa karneng baka, baboy at manok sa bansa.

Inihayag ni Yap ang nasabing babala bunsod na rin ng pangamba na posibleng magkaroon ng problema sa supply ng manok ngayong panahon ng Bagong Taon.
Ngunit agad ding nilinaw ng Kalihim na hindi umano ito dapat na maging dahilan ng mga negosyante para magtaas sa presyo ng mga nasabing bilihin sa mga pamilihan.

Samantala, kahapon ay nagsagawa ng price monitoring ang DA kung saan nag-ikut-ikot ang mga tauhan nito sa mga pamilihan upang masiguro na walang pagtataas sa presyo ng manok.

Magsasagawa rin umano ng monitoring ang ahensya sa lahat ng pamilihan sa bansa upang masiguro na walang magsasamantalang negosyante sa presyo.



 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES