December 28, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 

Gloria kinontra sa rice crisis

(Boyet Jadulco)

 

Minaliit lamang kahapon ng dalawang senador ang pahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na wala nang rice crisis sa susunod na taon.

Sinabi ni Senate mino­rity leader Aquilino Pimentel Jr., na posible ngang magkaroon ng sapat na supply ng bigas sa bansa dahil malamang na ang atupagin ng pamahalaan ay umangkat ng umangkat ng maraming bigas imbes na pag-ibayuhin ang pagpapalaki ng produksyon ng bigas sa bansa.

“Posible sa daming importasyon na pangsamantalang solusyon. Dapat rice production,” sagot ni Pimentel nang matanong sa ginawang pagbibida ng Pangulo.

Sinabi naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na bagama’t magandang balita ang sinabi ni Gng. Arroyo, hindi pa rin nito masosolusyunan ang problema ng pagkagutom sa bansa.

“That’s good and welcome news but prices remain high and top five pa rin Pilipinas sa dami ng nagugutom,” sambit pa ni Cayetano. “Dapat itigil ang pulitika at ang ChaCha at mag-focus sa pagpasa ng tunay at epektibong CARP at modernisasyon ng agrikultura. Wala man rice crisis, madami pa din crisis na sabay-sabay na kailangan harapin ng ating kababayan,” dagdag pa ng Senador.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES