| ‘KAMI ANG SINUGOD AT SINAKTAN!’ |
| Nina Armida Rico at Noel Abuel |
| Lumutang kahapon ang kampo ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Nasser Pangandaman at nagbigay ng pahayag hinggil sa naganap na insidente sa Valley Golf and Country Club sa Antipolo City, Rizal noong Biyernes ng hapon. |
| Isa pang multi-million scam kakalkalin |
| Ni Boyet Jadulco |
| Hindi pa man natatapos ang imbestigasyon ng Senado sa P728 milyong fertilizer fund scam noong 2004, isa na namang multi-milyong programa ng Department of Agriculture (DA) ang sisilipin ng kapulungan dahil sa anomalyang bumabalot dito. |
| Gloria kinontra sa rice crisis |
| (Boyet Jadulco) |
| Minaliit lamang kahapon ng dalawang senador ang pahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na wala nang rice crisis sa susunod na taon. |
| Insurance coverage sa banko, dodoblehin |
| (Boyet Jadulco) |
| Mawawala na ang karapatan ng bank depositor na isekreto ang kanyang bank records sa oras na aprubahan ang panukala para madoble ang maximum insurance coverage ng bank deposits mula P250,000 paakyat ng P500,000. |
| Traders winarningan sa presyo ng bilihin |
| (Noel Abuel) |
| Nagbabala kahapon si Department of Agriculture (DA) Secretary Arthur Yap sa lahat ng mga negosyante sa bansa na hindi sila mangingiming kasuhan at tanggalan ng lisensya ang mga ito sakaling magtaas ng presyo sa karneng baka, baboy at manok sa bansa. |
| P1.4 trilyong budget aaprubahan sa Enero |
| (Dindo Matining) |
| Sa kabila ng magkaibang bersyon ng Senado at Kamara, tiniyak kahapon ni House Speaker Prospero Nograles na hindi magkakaroon ng bangayan ang dalawang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa panukalang 2009 national budget na nagkakahalaga ng P1.4 trilyon at nakatakdang ratipikahan sa Enero ng susunod na taon. |
| BFP nakaalerto sa Bagong Taon |
| (Noel Abuel) |
| Nakataas ang alerto ng lahat ng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon sa inaasahang pagkakaroon ng insidente ng sunog sanhi ng mga paputok. |
| Holiday stress, ibinabala ng DOH |
| (Tina Mendoza) |
| Pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko laban sa holiday-related stress. |





