December 28, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Vina, matakaw sa pagbubuntis

Allan Diones
 

MATAKAW ang description ni Shaina Magdayao sa ate niyang si Vina Morales na limang buwang buntis ngayon.

Kapag may kainan ay lagi raw dyumo-join ang Ate Vina niya at lagi rin itong natutulog, na normal lang sa isang babaeng nagdadalantao.

Ang ikinatutuwa ni Shaina sa preggy sister niya ay blooming daw ito ngayon at very happy.

Kumusta sila ng non-showbiz boyfriend ni Vina at ama ng ipinagbubuntis nito na si Cedric Lee?

“We’re okay, I guess. Civil naman kami. And kung anuman ‘yung relasyon nila, that’s between my Ate Vina and him, wala na ako roon,” sey ng young actress.
Ano’ng reaksyon niya sa isyung nag-deny daw si Cedric at sinabing hindi raw ito ang ama ng sanggol na dinadala ni Vina?

“Actually, nasabi ko na nga po na rumors lang ‘yon and writeups. Wala pa naman tayong naririnig from the guy mismo.

“So, sana huwag po nating pangunahan, ‘di ba? If ever man may dapat magsalita, I think doon sa tao mismo dapat manggaling ‘yon at hindi sa papers lang o sa kung saan man. Kasi, maski kami, wala kaming clue at all, panay mga naririnig lang din namin,” ani Shaina.

Dagdag pa ng 19-anyos na young star, eversince daw na nabuntis ang Ate Vina niya ay tina-try nila ang best nilang ilayo ito sa mga negative things.

Sa kalagayan nito ngayon ay nakakatakot daw na ma-depress ito kaya as mush as possible ay ayaw nila itong mamroblema at gusto nilang lagi itong masaya.

“Ang maganda, parang nasa highest point siya ng buhay niya ngayon, na exact opposite ng tingin sa kanya ng mga tao. Kung makikita n’yo siya, she’s blooming and very happy. Kinakausap niya ‘yung baby niya dahil minsan, gumagalaw sa tiyan niya,” masayang tsika ni Shaina.

Siya ba ay never niyang tinanong nang diretso ang karelasyon ng ate niya kung totoong dinenay nitong siya ang ama?

“Siguro kung rumor lang, that’s none of my business, ‘di ba? Puro hearsay lang kasi, eh! At maski nga po kami, hindi namin alam kung ano ‘yung totoo, ‘di ba? Basta ang alam namin, the two of them are okay!”

Sinabihan daw ni Shaina ang Ate Vina niya na sa Amerika ito manganak para American citizen agad ang magiging pamangkin niya.

Muhang ayaw raw nito dahil malungkot doon, so malamang dito sa ‘Pinas manganak ang 33-anyos na singer-actress.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES