NGAYON ang alis ni Heart Evangelista papuntang Hong Kong para sa ilang araw na bakasyon.
Bale bonding with the family ang pagpunta ni Heart sa HK.
Pero hindi sila roon magnu-New Year’s eve celebration dahil babalik sila ng bansa sa December 31.
Bale sinasamantala rin ni Heart ang holiday vacation para makapagpahinga dahil sobrang pagod siya sa taping ng Luna Mystika.
Dalawa kasi ang character niya sa nasabing telefantasya.
“Nagsunud-sunod ang tapings namin dahil holiday vacation nga. Pero ok lang. Worth it naman dahil mataas ang ratings ng Luna Mystika kaya happy lahat ng staff and co-stars ko,” pahayag ni Heart.
***
Inusisa ko si JC de Vera kahapon kung magkasama sila ni Rhian Ramos noong Christmas eve, pero hindi raw. “Nagpunta po ako sa house nila noong Christmas. Doon po ako nag-lunch,” pahayag ng binata.
Medyo sad ngayon si JC dahil hindi niya nakakasama si Rhian. Nasa Thailand ang dalaga at nagsu-shooting ng commercial.
“Nagwe-wakeboarding naman po ako rito sa Bicol. Hanggang sa December 29 na po ako rito kasama ang friends ko,” pahayag ni JC.
Ano ba ang regalo nila ni Rhian sa isa’t isa noong Christmas?
“Ay, ayoko pong sabihin. Sa amin na lang po ‘yon. Pero kung si Rhian ang tatanungin n’yo at sabihin niya, ok lang,” sabi pa ng binata.
Ayaw masyadong magkuwento ni JC tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Rhian dahil ayaw raw niyang mapagbintangang gumigimik lang sila para mapag-usapan at lalong mag-rate ang Lalola.
“Kaya nga po ang palagi kong sinasabi eh masaya ako kay Rhian. Ayoko po kasing isipin ng iba na gumigimik lang kami.
“Iyung iba po kasi, palaging sinasabi na kapag may ipina-partner sa akin eh gumigimik kami.
“Mas maganda na quiet na lang po ako tungkol sa amin ni Rhian para hindi mapagbintangang gumigimik,” paliwanag pa ni JC.
***
Masaya si Mother Lily Monteverde sa magandang box-office result ng Shake, Rattle & Roll X at Desperadas II na nakikipagpukpukan ngayon sa MMFF ‘08.
Sabi ni Mother Lily, wala na siyang mahihiling pa sa magagandang nangyari sa Regal Entertainment for 2008.
“I’m so happy kaya mas marami pa akong pelikulang ipo-produce for 2009!” sey ni Mother Lily kahapon sa mall show ng Shake X at Desperadas II sa Glorietta Activity Center.
Sa tuwa ni Mother Lily sa patuloy na pamamayagpag ng Shake X at Desperadas II sa box-office ay nagmistula siyang si Santa Lily kahapon sa Glorietta.
Ang dami niyang giveaways na ipinamigay sa mga nagpunta roon para makita ang stars ng kanyang filmfest entries.
Ang publicity and promotions naman ng When I Met You movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion ang gusto niyang tutukan.
“Gusto ko, January 1 pa lang, may publicity and promotions na ang When I Met You,” pahayag pa ni Mother Lily.
***
Kahit holiday vacation na, hindi pwedeng hindi mag-live ang Showbiz Central na iniho-host nina Raymond Gutierrez, Pia Guanio, John Lapus, DJ Mo at Rufa Mae Quinto.
Abangan ang napakarami nilang pasabog mamayang hapon sa GMA 7.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com