December 28, 2008 - Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Hayden, baka matanggalan ng lisensya kung inamin ang sex video
Jojo Gabinete
 

PINABULAANAN ng isang malapit kay Hayden Kho ang tsika na nagkabalikan sila ng kanyang girlfriend na si Dra. Vicki Belo.

Wala pa raw reconciliation na nangyayari sa ex-couple pero nag-uusap sila mula nang lumabas si Hayden sa Makati Medical Center noong December 23, 2008.

Pinagpipistahan ang isyu ng paghihiwalay nina Hayden at Dra. Belo dahil sa mga aktres na nadamay.

Uploaded na sa Youtube ang exclusive interview kay Hayden ng 24 Oras.
Sa naturang interview, inamin ni Hayden na nagkarelasyon sila ni Katrina Halili pero sandali lamang ito.

Madaling maapektuhan si Hayden ng mga negatibong balita kaya mas makabubuti na huwag na niyang basahin ang mga comment na mababasa sa Youtube.

Imposibleng hindi ma-upset si Hayden ng mga personal na atake sa kanya ng Youtube viewers.

***

Naka-post din sa Youtube ang video na may pamagat na Hayden Kho Sex Scandal pero fake ito.

Naniniwala kami na totoo ang mga balita na may mga secretly recorded video si Hayden sa kanyang laptop pero hindi pa ito lumalabas o kumakalat.

Ang sex video ang sinasabing matibay na ebidensya ni Dra. Vicki Belo kaugnay sa relasyon nina Hayden at Katrina.

Itinanggi ni Hayden ang sex video. Kung inamin niya na totoo ito, baka matanggalan siya ng lisensya bilang doktor.

Negatibo ang reaksyon ng mga tao sa pag-amin ni Hayden tungkol sa brief relationship nila ni Katrina at sa kanyang suicide attempt.

Kailangan ni Hayden ng isang mahusay na strategist para mahinto ang negative news tungkol sa kanya.
A damage control is badly needed.

***

Lumaki na ang eskandalo pero nananatiling tahimik si Dra. Belo.
Tikom ang kanyang bibig at firm ang desisyon niya na huwag magsalita tungkol sa isyu na kinasasangkutan nila ng kanyang ex-boyfriend.

At peace with herself at relaxed  na relaxed si Dra. Belo nang magkita kami noong December 15, 2008.

Malaki ang naitulong kay Dra. Belo ng halos araw-araw na pagdalo niya sa Bikram Yoga session para hindi siya maapektuhan ng malaking pagsubok na dumating sa kanya.

***

Ibinaba na ang mga  Belo billboard ni Katrina Halili. Ipinalit sa kanyang giant billboards ang mga billboard ni Lucy Torres-Gomez.

Apektado ng  HK-KH scandal ang pagiging Belo endorser ni Katrina.
Mahinto man ang pagpunta niya sa mga clinic ng Belo, puwede pa rin daw pumunta si Katrina sa branches ng Flawless dahil endorser din siya ng nasabing beauty and skin clinic.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES