HINDI isyu kay Jericho Rosales kung loveless man ang kanyang Pasko ngayong taong ito.
Ayon kay Echo, “Ayokong madaliin ang mga bagay at bigla akong manligaw dahil lang Pasko. Ayokong ‘yun ang maging rason. Gusto ko munang maging single.
“Feeling ko, hindi pa ako handa (na mainlab ulit). Kaya hindi pa ako talaga makapagdesisyon kung saan ako pupunta o kung sinong liligawan ko.
“At saka ayoko namang magmukhang makapal ‘yung mukha ko na parang feeling ko, lahat pwede kong ligawan!
“Wala man akong girlfriend, nandiyan naman ‘yung mga mahal ko sa buhay. At least, I can spend time with them,” sabi ng aktor.
Burado na ba sa puso niya ang ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista?
“I wouldn’t say burado na siya sa puso ko. She will always be burdado o nakaburda na sa puso ko.
“Syempre, close to my heart ‘yan, eh! I will always be a good friend para sa kanya ‘pag kailangan niya ako,” sagot ni Echo.
Kahit siya ay burado na sa puso ni Heart?
“Oo naman. Para sa akin, hindi ganu’n ‘yon, eh! Siguro, ‘yung idea of being together again now, I don’t think it’s gonna happen.
“But it think, it’s possible na maging friends kami. Time will come na magiging open din siya do’n ‘pag ready na siya. It’s just a matter of now and in the future,” katwiran ng binata.
Bakit ba siya ay parang hindi pa maka-move on samantalang si Heart ay mabilis na nagkaroon ng bagong karelasyon?
“Iba-iba ang tao, eh! May mga tao na relaks lang, may mga tao na siguro, kailangan nila ng company, ‘di ba? Ako, this time sa buhay ko kasi, marami akong kailangang ayusin, eh.
“And it needs a lot of time being alone. So siguro, kung magkakaroon ako ng girlfriend, it would mean na she will have to understand my time.
“Ie-enjoy ko muna ‘yung sarili ko. Kung may opportunity na makipag-date, okey lang. Siguro, mas magiging careful na ako ngayon sa puso ko.
“Kung meron akong New Year’s resolution, that is I will take care of my feelings and emotions.
“Because laging ito ‘yung master ng ano ko eh… masyadong malakas ‘to para sa akin, eh! So, this time, I would learn to put it in the right place at the right time,” sambit pa ni Echo.
After nilang magtambal ni Anne Curtis sa Baler, may reunion movie raw sila ng dati niyang nobya at ka-loveteam na si Kristine Hermosa sa 2009, na malamang kasama ang Malaysian actress na si Carmen Soo.
***
Ang pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ng Cutting Edge Productions ang first full-length animated film na nakasali sa 34-year history ng MMFF.
Bida sa kuwento nito ang 11-anyos na batang si Bubuy (boses ni Nash Aguas) na madalas i-bully ng mayayabang na bata sa eskuwelahan.
Ulila na si Bubuy at lumaki siya sa kanyang Lolo Meong (boses ni Noel Trinidad ) at Lola Nita (boses ni Nova Villa).
Isang gabing nagpunta siya sa gubat ay kinuha ng mga buhay na halaman ang lola’t lola ni Bubuy at dinala sa ilalim ng lupa.
Nagpasya si Bubuy na hanapin at iligtas ang kanyang mahal na lolo’t lola.
Sa tulong ng mabait na batang manananggal na si Anna (boses ni Katrina ‘Hopia’ Legaspi) ay pinasok niya ang mahiwagang daigdig ng Elementalia.
Mga bata ang target audience ng Dayo at nagpapalakpakan ang mga tsikiting sa maraming eksena nu’ng premiere night ng pelikula sa SM Megamall.
Pinoy na Pinoy ang mga karakter sa istorya dahil galing ito sa ating sariling folklore at mythology.
Nakakatuwa ang cute na ‘manananggirl’ na si Anna na pa-tweetums magsalita at Taglish ang mga dayalog. Hindi siya kumakain ng tao dahil vegetarian daw siya.
Tinulungan niya si Bubuy basta’t tulungan muna siya nitong hanapin ang kalahating katawan niya.
Natupad ang pangarap ni Bubuy na makalipad nang tangayin siya sa ere ng may pakpak na si Anna.
Palakpakan ang mga bagets nang marinig ang theme song ng movie na Lipad (na inawit ni Lea Salonga) habang nasa alapaap ang magkaibigang Bubuy at Anna.
Aliw ang audience sa mali-maling yaya ni Anna na si Vicky (boses ni Pokwang) na isang pangit na manananggal at sa mga kaibigan nitong aswang din na sina Toti (boses ni Pocholo Gonzales na ala-Mike Enriquez) at Jo (boses ni Gabe Mercado).
Si Mang Nano (boses ni Peque Gallaga) ang matandang manggagamot na parang si Yoda na hiningan nila ng tulong.
Ang ama ni Anna na si Carpio (boses ni Johnny Delgado) ay punong manananggol ng Elementalia Portal Authority.
Kwela ang banidosong tikbalang na si Narsi (boses ni Michael V) na naging kakampi nina Bubuy at Anna at sinakyan nila sa paglalakbay sa Elementalia.
Very Bitoy ang mga pa-cool na hirit ni Narsi tulad ng, “Rock on, bro!” at “Whatever, dude!” na klik na klik sa mga bagets.
Adventure ang paghahanap ni Bubuy ng mga sangkap ng ‘alikupoy’ na magtatanggal ng sumpa sa kanyang lolo’t lola at pupuksa sa halimaw ng Elementalia.
Palakpakan ang audience sa mabait na babaeng kapre (kaboses ni Dulce) na Bisaya kung magsalita.
Pasok din ang mga casual plugs gaya ng Enchanted Kingdom, Mister Donuts, Frootees, atbp., na animated din kaya cute ang dating.
Kahit boses lang ng child actor na si Nash Aguas ang maririnig mo rito ay ang galing-galing ng bagets sa pagbibigay-buhay sa bidang si Bubuy.
May mensahe tungkol sa pangangalaga sa kalikasan ang pelikula. Hindi DreamWorks o Pixar-quality ang animation ng Dayo, at hindi rin ito kasimpulido ng Urduja ng APT Entertainment, pero magugustuhan ito ng bata lalo na ngayong holiday season.
***
Salamat nang marami sa lahat ng mga nagpa-party at nagbigay ng aginaldo sa amin ngayong Pasko.
Tenkyu po kina Tita Lolit Solis, Tita Malou Fagar at TAPE, Inc., Dingdong Dantes, Sen. Manny Villar, Belo Medical Group, Calayan Surgicentre;
Tito Joey de Leon, Sharon Cuneta, Ai Ai de las Alas, Pauleen Luna, Alfred Vargas, Direk Dante Mendoza, Direk Manny Valera, Allan K & Lito Alejandria, Dennis Trillo, Marian Rivera, Mart Escudero & Popoy Caritativo;
Sen. Loren Legarda, Chairman Bayani Fernando, Chairman Ephraim Genuino, Atty. Joji Alonso, Arnold Vegafria, ABS-CBN, Bench, PLDT myDSL, Monica Publishing;
Tita Redgie Magno, Jingky Ilusorio, Tito Caloy Valera, Anna Pingol, Walden Belen at Joe Barrameda.