Isa pang malakas na paderbi ang pambato ng San Juan Coliseum ngayong hapon, ang “Salubong Sa Bagong Taon 5-cock derby” na paiinitin ng mahigit 80 sultada.
Si Engr. Butch Nunez, isa sa pinamasipag sumali sa mga derbies sa buong Metro Manila at kalapit-probinsiya, ang host ng derbing ito na may garantisadong P500,000.
Nakaprograma ngayon ang 3-cock eliminations habang sa Lunes, Dec. 29 ang 2-cock finals. Maaaring magpasok ng straight five cocks sa Lunes, ani Nunez. Agad na isusunod ng SJC ang “Bentahan.Com 4-cock derby” sa Jan. 3.
Ginawang alas-10:00 ng umaga ang umpisa nito dahil sa mahigit 150 sultada. Kasali naman sa derbing ito ang mga Pinoy cockers na nakabase sa ibang bansa.
Para sa iba pang katanungan: 725-5369 at 725-6563 (hanapin si Ariel, Maricar o Cheche). |