Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Salanawon, Tolentino nanalo sa 5k footrace
(RC)
 
Humarurot sa pinaleng isang kilometrahe si Marjohn Salanawon, habang isang banderang tapos ang itinarak ni Ailene Tolentino sa kakakaripas na Philippine Military Academy Kaakibat Class 2001 1st Fun Run Competition sa Armed Forces of the Phi­lippines General Headquarters ng Camp Aguinaldo sa Libis, Quezon City.
Pinasinghot ng alikabok ni Salanawon, beterano ng internasyunal na paligsahan sa labas ng bansa, si Alley Quisay sa pagsungkit sa titulo ng kalalakihan sa tampok na limang kilo­metrong karera sa tiyempong 16 na minuto’t 35 segundo, samantalang walang hamon na nakaharap ang taga-Cagayan de Oro City na si Tolentino sa pag-angkin sa trono ng mga babae sa 18:50.
Sumegunda si Quisay na nahuli nang dalawang saglit sa oras ni Salanawon at tumersera ang nagkakaedad nang ilang beses na naging pambansang kampeon sa marathon na si Allan Ballester (17:03).
Makalipas nang 20 tikada sa time ni Tolentino umentra ng meta si Marecil Maquilan para sa pa­ngalawang pwesto at puma­ngatlo ang balingkinitang si Jean Palencia (19:48).
Aktwal na tig-10 ang mga pinarangalan nina PMA Fun run 2008 organizer Cavalier Florangel Murito at Philippine Army Maj. Rogrigo Turno sa 2-in-1 road race na binalangkas ng PMA Class 2001 sa paggiya nina Cavalier Nelson Timbang (pre­sident) at Cavalier Marissa Mangahas (secretary).
Pawang wire-to-wire wins din ang mga ipinako nina Christopher Ulboc (8:51) at Bernardita Mag-aso (10:35) sa pagsakote sa mga trono ng side event na 3-km footrace noong Disyembre 14. Pinarangalan din ang Oldest at Youngest Runners ng event na sina Elvira Pedregosa at John Khalip Agana, habang tumapos ng 3k ang kahit nakasaklay na si Pablo Pimentel ng Sto. Tomas, Batangas.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES