Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Nabuburong gabinete, aaksyunan
Editorial


Magandang balita itong ipinahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na kanyang aaksyunan sa susunod na taon ang kumpirmasyon sa Commission on Appointments ng ilan pa sa mga miyembro ng gabinete.
Naburo na nga ang ibang gabinete sa CA at maging ang ilan pang appointee ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang puwesto na kailangan ang basbas ng makapangyarihang bicameral commission. Wala pang katiyakan kung kailan sila makukumpirma, kung makakalusot pa o mananatiling bypassed na lamang ang appointment.
Ang siste rito, kahit bypassed o nakabinbin pa ang kanilang appointment ay pa­tuloy pa rin silang nakaupo sa puwesto. Nanunungkulan pa rin at ginagawa ang mga regular na gawain ng isang miyembro ng gabinete.
Nakakadalo sa mga pagpupulong, nakakapagpalabas ng mga circular o memorandum sa kanilang departamento. Nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng mga katulad nilang appointee na aprubado na sa CA ang pagkakatalaga sa puwesto.
Dapat lamang na aksyunan na rin ng CA ang kanilang mga appointment. Hatulan na kung dapat pa ba manatili o hindi sa puwesto. Huwag nang patagalin pa. Kung aya­w talagang basbasan ang appointment ay desisyunan na. Kung gusto namang manatili sa puwesto ay kumpirmahin na.
Bakit pa patatagalin ang usapin kung wala namang iba pang masustansyang bagay na tatalakayin sa pagdinig ng kanilang appointment? Magsasayang lamang ng oras kung paulit-ulit na isyu lang naman ang pinag-uusapan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES