Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
MTRCB bilang na ang araw
(Bernard Taguinod)
 

Bilang na ang araw ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil itutuloy ng Kongreso ang pagbuwag sa tanggapan matapos lumala ang krimen na umano’y dahil sa mga programa sa telebisyon at sa pelikula na hindi nababantayan ng nasabing ahensya.
Sa katunayan, sinisi­mulan na ng Technical Working Group (TWG) ang pagbuo ng batas na nagpapabuwag sa MTRCB at inaasahan na sa susunod na taon ay magkakaroon na ito ng linaw.
Sa pangunguna nina Manila Rep. Beinvenido Abante, chairman ng House committee on public information, at Zamboanga City Rep. Erico Basilio Fabian, nais ng mga ito na buwagin na lamang ang MTRCB dahil hindi nito nagagampanan ang kanilang trabahong bantayan ang mga television program at mga pelikula na nagpapalabas ng mga bagay na nakakaimpluwensya, hindi lamang sa mga kabataan kundi sa lahat.
“The MTRCB has not shown a determined, posi­tive and sustained effort to exercise and uphold its powers and it is of public knowledge that programs which are considered immoral, indecent, contrary to law and/or good customs continued unabated to the detriment of the people,” ani Abante.
Napatunayan umano sa isang survey na impluwensya ng pelikula at mga na­pananood sa telebisyon ang mga nangyayaring krimen na pawang kinasasangkutan ng mga kabataan.
“Surveys have shown that the commission of many crimes against chastity, persons and property are influenced by such kinds and quality of mo­vies being produced, sold, distributed and exhibi­ted, including television shows and programs being shown,” dagdag pa ni Abante.
Upang maiwasan umano itong magpatuloy, kailangan na umanong buwagin ang MTRCB at palitan ng bagong set-up ng classification board na magbabantay nang husto sa mga ipinapalabas sa sinehan at maging sa telebisyon.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES