Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
BF ginagarapal na ang 2010
(Bernard Taguinod)
 

Ganito inilarawan ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang pagpapakalat ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando ng tarpaulin, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsya dahil sa ambisyon sa 2010 presidential election.
Sa panayam kay Golez kahapon, sinabi nito na matindi ang ambisyon ni Fernando na makilala sa buong bansa bilang bahagi ng preparasyon sa 2010 presidential race kaya sinasakop nito ang mga lugar na hindi naman nito teritoryo.
“Masyadong invasive ang kanyang taktika. Walang delicadeza, ‘di baleng magalit ang mga tao basta makilala siya. Garaparalan talaga,” reaksyon ni Golez.
Walang makitang dahilan si Golez sa pagpapakalat ni Fernando ng kanyang mga tarpaulin sa mga lalawigan dahil hindi na ito sakop ng MMDA na kanyang pinamumunuan.
“Politics at ang kanyang ambisyon kung bakit niya ginagawa ‘yan,” dagdag pa ni Golez.
Ngayon lamang umano nangyari ang ganitong uri ng pangangampanya kung saan kahit hindi pa nagsisimula ang pormal na kampanya sa presidential election ay nagpapakalat na ng tarpaulin ang isang kandidato.
Gayunpaman, naniniwala si Golez, makakabuti rin para sa mga kalaban ni Fernando sa 2010 pre­sidential race ang ginagawa nito dahil ngayon pa lamang ay inis na sa kanya, hindi lamang ang mga tao sa Metro Manila kundi maging ang mga taga-lalawigan.
“Sana dagdagan pa niya tarpaulin niya para lalong mainis sa kanya ang mga tao,” ani Golez.
Samantala, isang Visayas congressman naman na kapartido ni Fernando sa Lakas-CMD ang nagsabi na 1% lamang ang tsansa ng MMDA chairman na maging standard bearer ng lapian.
“Unless tumaas ang 1% rating niya, it will be impossible for the party to have BF as our standard bearer,” ayon sa impormante kaya pagsasa­yang lamang umano ng pera ang mga tarpaulin ng MMDA chairman.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES