Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Basbas ni Joma target ni Villar
(Boyet Jadulco)
 

Nakahanda ang kampo ni Sen. Manny Villar na suyuin si Jose Ma. Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP), upang kunin ang basbas nito para sa pagtakbo ng senador sa 2010 presidential elections.
Ito ang naging reaksyon ni Sen. Alan Peter Cayetano, secretary-general ng Nacionalista Party (NP), kaugnay sa naging paha­yag ni Sison na wala itong napupusuang kandidato sa pagka-pangulo, kahit na sa hanay ng oposisyon.
Umaasa si Cayetano na magbabago pa ang posisyon ni Sison, lalo na kung makakaharap at makakausap nito si Villar, presidente ng NP, at isa sa maagang nagdeklara ng kandidatura sa presidential elections.
“Ipakikilala ko siya kay Sen. Villar para maamin niya na nagkamali siya at meron palang mabu­ting kandidato,” paliwa­nag ni Cayetano.
Samantala, imbes na magpaapekto, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na mas makabubuting huwag nang pakinggan ang anumang sinasabi ni Sison dahil matagal na itong wala sa bansa kung kaya’t hindi bulag ito sa mga kaganapan.
“Makabubuti nang huwag patulan ang mga puna ni Joma. Tutal napaka­tagal na niyang wala sa ‘Pinas kaya siguro out of touch siya sa mga kaganapan dito... O baka nabili na rin siya ng Malacañang kaya naging anti-oposisyon na rin siya,” ani Lacson.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES