Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Solon namigay ng P5 sa karoling
(Bernard Taguinod)

Kung baga sa pelikula, hindi pumatok sa takilya ang pagpapanggap ng isang bagitong kongresista na siya’y mahirap lamang matapos magbigay ng tig-5 piso sa mga nangaroling sa kanya.
Ito ang napag-alaman ng DPA ng TONITE hinggil sa mambabatas na ito na gustong ibahin ang sarili sa kanyang kapamilya na saksakan na ng yaman matapos maluklok sa kapangyarihan.
Sa report na nasagap ng DPA ng TONITE, nagmistulang mga bata sa lansangan na kumakatok sa mga bawat sasakyan para mamasko ang isang grupo ng mga empleyado sa Kamara na nangaroling sa kongresista.
Bagama’t hindi literal na P5 ang ibinigay ng mam­babatas sa mga nangaroling, parang ganito na rin ang nangyari dahil nang paghati-hatian ang ibinigay na agi­naldo ng kongresista ay lumalabas na tig-limang piso lamang ang mga empleyado.
Dahil dito, napahiya ang mga nangaroling sa mambabatas kaya sumumpa na ang mga ito na hindi na sila mangangaroling sa makunat na kongresista dahil masasayang lamang ang kanilang pagod.
Nabatid na kaya nilapitan ng grupong ito ang mambabatas ay dahil alam nila na mayaman, hindi lamang siya kundi ang kanyang buong pa­milya na laging kontrobersyal.
Ang masaklap lamang, gustong magpanggap ang mambabatas na naiiba siya sa kanyang pamilya na kinasusuklaman ng kanilang mga hindi kaalyado, sa pulitika man at sa mga ordinaryong mamamayan.
Subalit alam ng marami na drama lamang ito ng mambabatas dahil paborito siya ng pamilya at kung anong mayroon ang kanyang mga magulang ay mayroon din ito.
Isang patunay dito ang paggastos ng kanyang pa­milya para lamang ito makapasok sa pulitika noong nakaraang eleksyon at madagdagan ang kanilang pu­wersa sa Kamara.
Ang hindi alam ng mambabatas, walang naniniwala sa kanyang drama dahil kahit anong gawin nitong pagpapanggap na iba siya at mahirap lamang siya ay parang pelikula na mahirap paniwalaan.
Clue: Ang mambabatas na ito ay unang nabansagang “Boy Backpack” dahil kahit naka-Amerikana ay mayroong dala-dalang bag sa kanyang likuran su­balit nang mapuna ay iniwan na niya ito sa kanyang sasakyan.
Mayroon siyang inisyal na D as in kapatid ng Daga.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES