Gusto sanang mag-New York ni Shaina Magdayao ngayong holiday season kasama ang kanyang pamilya, kaya lang ay hindi siya makaalis.
Nu’ng bisperas ng Pasko ay kasama siya sa filmfest parade at sa Enero 3 ay may trabaho na raw agad siya.
Kakaiba at mas masaya raw ang Pasko this year ni Shaina dahil nand’yan si John Prats. Dati raw ay walang lalaking dumadalaw sa kanya ‘pag Christmas, pero ngayon ay meron.
Ayon sa young actress, hindi siya materialistic na tao, kaya maski simpleng letter lang na sulat-kamay o kahit Christmas card lang ang matanggap niya mula kay John ay masaya na siya.
Si John lang daw ang only guy na dine-date ngayon ni Shaina.
“Hindi naman po ako nagdi-date around, eh! Wala po akong dine-date na ibang lalake! Ha! Ha! Ha!”
Sey ng bagets, si John ‘yung masasabi niyang first legal boyfriend niya dahil hindi niya matatawag na totoong nainlab siya noon sa mga guys na na-link sa kanya.
Ano bang special kay John at napasagot siya nito?
“Mabait kasi siya sa pamilya niya. Ako kasi, never kong tiningnan ‘yung showbiz side. Mas tinitingnan ko ‘yung pagiging totoo nu’ng tao kesa sa showbiz reasons. So, ‘yung pagiging totoo niya sa akin ang nagustuhan ko sa kanya,” naka-smile na dayalog ni Shaina.
|