Sa first shooting day ng When I Met You ay ipinanood ng line-producer na si Elaine Lozano kay Richard Gutierrez ang teaser ng pelikula.
May dalawang version ‘yon.
Nakipanood din ako sa teaser at tinanong ako ni Richard kung ano ang masasabi ko.
“Nakakakilig! Grabeee!” ang reaksyon ko.
Kinilig din ang mommy ni Richard sa teaser.
“Kanina nga, nakita ko si KC na naka-wedding gown, sabi ko talaga sa kanya, sana totoong wedding na nila ni Richard. Ang ganda-ganda ni KC,” sey ni Bisaya, na botong-boto talaga sa dalaga ni Sharon Cuneta.
***
Samantala, sa first shooting pa rin ng When I Met You, kasa-kasama ni Alfred ang bago niyang non-showbiz girlfriend, si Jasmien.
Maganda ang bagong girlfriend ni Alfred.
Ipinakilala ni Alfred kay Bisaya ang bagong girlfriend niya.
“Kamukha siya ni Marian,” reaksyon ni Bisaya, na sinagot naman ni Jasmien ng, “Marami nga po ang nagsasabing magkamukha kami ni Marian!”
Anyway, dahil hindi pa kukunan ang kanyang eksena, umalis muna sa set si Alfred.
After a few minutes, may nag-text sa akin. Nasa Power Plant Mall daw sa Rockwell si Alfred at may kasamang magandang babae.
Ipinag-shopping yata ni Alfred ang kanyang girlfriend na mukhang mabait.
|