Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Katrina Halili, kinamumuhian!
Jun Lalin
 

Kahapon ay kasama kong nag-late lunch sa bahay ni Mary Ann Opeña ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
Kasama ng mag-asawa ang dalawa nilang apo kay Ruffa, sina Lorin at Venice.
Habang kumakain kami, nag-enumerate si Lorin ng favorite TV shows at movies niya.
Siyempre, kasama sa favorite TV shows niya ang I Love Betty La Fea, The Buzz (shows ng nanay niyang si Ruffa) at Full Force Nature (show ng Tito Richard niya).
Pati Desperadas 2 movie ni Ruffa ay gusto rin ni Lorin.
“I also like ‘For The First Time’ of Tito Richard and Tita KC (Concepcion). She’s so beautiful,” sey pa ni Lorin.
Ang pinakahuling dialogue ni Lorin ay, “But the best actress for me is Lola (Annabelle). She’s so funny in (My) Monster Mom!”
Dinig na dinig ni Bisaya ang dialogue ng apo, kaya tuwang-tuwa siya.
“Dapat isulat mo ang sinabi ni Lorin para abangan ng mga tao ang part 2 ng My Monster Mom,” tatawa-tawang dialogue ni Bisaya, sabay halik sa kanyang apo.
Si Venice naman ay nag-dialogue na tie lang sa kanya ang lola at mommy niya.
“I like Mommy and Lola. They’re both good in (My) Monster Mom,” sey ng bunso ni Ruffa.
Pagkagaling ng bahay ni Tita Mary Ann, naglibot sina Bisaya at Tito Eddie sa mga sinehang pinagpapalabasan ng Desperadas 2 at tuwang-tuwa ang nanay ni Ruffa nang ibalita sa akin na malakas ang pelikula sa mga sinehang pinagpapalabasan nito.
“Ang lakas ng Desperadas 2. Sabi ni Mother Lily (Monteverde), mas lalakas pa raw ang movie pagkatapos ng holiday vacation.
“Tuwang-tuwa nga si Ruffa nang ibalita kong maraming nanonood ng pelikula nila,” sey sa akin ni Bisaya.
Nagpapasalamat din si Bisaya na malakas ang Shake, Rattle & Roll X na kung saan ay bida naman ang alaga niyang si JC de Vera sa first episode na Emergency.
***
Umabot sa pagiging newsmaker of 2008 si Katrina Halili.
Sa pagkakaalam ko, bukas aalis si Katrina papuntang Amerika kung saan sila magse-celebrate ng New Year ng boyfriend niyang si Kris Lawrence.
Interesado ang mga taga-showbiz kung paano haharapin ni Katrina ang isyung pakikipag-affair niya kay Dr. Hayden Kho, na karelasyon that time ni Dra. Vicki Belo, ang may-ari ng Belo Medical Group na ine-endorse ng sexy star.
Kahit aalis si Katrina, hindi pa rin matitigil ang isyu sa kanila ni Dr. Hayden lalo na at umamin tungkol sa bagay na ‘yon ang guwapong ex-boyfriend ni Dra. Belo.
Next year na lang kaya haharapin ni Katrina ang isyu laban sa kanya?
For Katrina’s information, maraming galit sa ginawa niya kay Dra. Belo. Na kay Dra. Belo ang sympathy ng mga tao!
***
For feedback, e-mail junlalin@gmail.com.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES