Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Eugene, tagapagmana ng trono ni Ai Ai!
Allan Diones
 

Walang nararamdamang anumang bitterness si Eugene Domingo na nawala sa kanya ang role ni Luga Luda sa Desperadas 2 at napunta ito kay Ogie Alcasid.
Dayalog ni Uge nang huli namin siyang makausap sa presscon ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat, “Hindi ko ugali ang nagre-regret. Kasi ‘pag ganyan, hindi ka makaka-move on.”
Dagdag pa ng ko­medyana, naniniwala siya sa kasabihang kapag hindi ukol ay hindi bubukol.
“Nakita ko ‘yung billboards ng Desperadas 2, nakita ko si Ogie at nakakatawa ang itsura niya! Sa tingin ko, sa kanya talaga ‘yun, eh!
“Naisip ko, he was supposed to do Zsa Zsa Zaturnnah, ‘di ba? So, tama lang na ngayong taon pala, siya ang gagawa ng hindi baklang role kundi babae na mismo.
“So, very, very interesting na ngayong taon, nagampanan pa rin niya ‘yung project with Regal Films,” sabi pa ni Uge.
Wala ba siyang panghihinayang na napunta sa iba ang role na dapat ay sa kanya?
“Alam mo, no one is indispensable. Lahat puwedeng palitan. At kung sinuman ‘yung pumalit, dahil para sa kanya ‘yon,” sagot niya.
So, ngayon ay magiging magkalaban pa sila ni Ogie sa award para sa supporting role category?
“Oo, pero siguro naman, sa Best Supporting Actor siya, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!
“Mahusay si Ogie, eh! At saka artist siya. So, I wish him all the best. Sana, magbunga lahat ng pinaghirapan niya —with all the makeup, I’m sure, lahat ng antics nilabas niya… mahusay siya!” puri pa ni Uge kay Ogie.
***
Ayon kay Ai Ai delas Alas, kung iiwan daw niya ang trono bilang Comedy Queen ay si Eugene ang nakikita niyang papalit sa kanya at hindi ang iba pang komedyana.
Ano’ng reaksyon niya roon?
“Oo, title nga lang ‘yon, ‘di ba? Trono nga lang ‘yon. Pero natutuwa ako sa tiwala niya sa akin, na puwede akong sumunod sa mga yapak niya, kung talagang uso ‘yung mga sumusunod sa yapak.
“Although alam kong ibang-iba siya eh, at ibang-iba rin ako. Most importantly, natutuwa ako na ang friendship namin, hindi lang dahil sa nagkasama sa trabaho kundi even behind the camera, mas matatag ang friendship namin.
“‘Yun ang importante. ‘Yun ang matitira. ‘Yung glitter, ‘yung glamour, ‘yung fame, mawawala. ‘Yung friendship hindi,” sambit ni Uge.
Ano namang feeling niya na may mga nagsasabing kung hindi siya ay si Pokwang ang malamang maging kapalit sa trono ni Ai Ai?
“Wala, hindi ako affected sa gano’n. Kasi, per project ang iniisip ko at ‘yung binibigay kong dedication sa trabaho. Si Pokwang, natutuwa ako dahil may trabaho siya na dire-diretso. Isa rin siyang single mom katulad ni Ai Ai, ‘di ba?
“So, wala. Tawang-tawa ako diyan kay Pokwang. Kasi, Aruray ‘yan, eh! So, nakakatawa ‘yan! Ang hirap din ng ginagawa niya. Magsuot ka ng false eyelashes na ganyan kahahaba everyday? Halos ikabulag niya na, ‘di ba?”
Natutuwa ba siya na ang pagpapasahan pala ni Ai Ai ng trono kung sakali ay siya at hindi si Pokwang?
“Natuwa ako. That’s very positive. Pero hindi naman ako doon naka-focus sa mga trono-trono at title-title. Hindi ganu’n ang training ko, eh! Naka-focus ako sa gusto kong proyekto, gusto kong gawin at gagawin ko nang tama.”
Meron din ba siyang vow of celibacy kagaya ni Ai Ai?
“Ahh…wala na kasing choice?! Ha! Ha! Ha! So, bow! Bow of celibacy! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.
Bakit naman walang choice?
“Eh kasi, bising-busy naman ako, eh! At saka hindi ko naman pipilitin na para lang hindi maging celibate, gagawa ako ng paraan. Maghihintay ako sa tamang tao, sa tamang oras at sa tamang katawan! Ha! Ha! Ha!”
Umalis si Uge nu’ng Disyembre 22 para mag-white Christmas sa New York. Regalo niya sa sarili ang bakasyon na ‘yon para raw makapag-relax siya at makalayo sandali sa mga pressure.
Hindi kaya roon niya matagpuan ang tamang tao na sinasabi niya?
“Naku, lagi namang gano’n, nanawa na ako sa kahihintay! Ha! Ha! Ha!”

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES