Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Kalabaw 2 ang paa
(JB Salarzon)
 

Isang atraksiyon ngayon sa Iloilo City ang isang kala­baw na dalawa lamang ang paa nang iluwal ng kanyang inang kalabaw sa mismong araw ng Pasko.
Ayon kay Victor Jamilo, may-ari ng kalabaw, dakong alas-6:30 ng umaga nang iluwal ng kanyang inahing kalabaw ang pampito nitong anak sa likuran ng kanyang bahay.
Kumalat na parang sunog sa gubat ang balita at dinagsa ng mga kapitbahay at taga-ibang baryo ang bahay ng pamilya Jamilo upang tunghayan ang bagong silang na kalabaw.
Ang kalabaw ay isang lalaki na walang dalawang paa sa unahan kundi may dalawang paa lamang sa hulihan.
Bukod sa kawalan ng dalawang paa sa unahan ay normal naman umano ang lahat ng iba pang parte ng kalabaw gaya ng isang ordinaryong kalabaw.
Aniya, wala siyang balak na ibenta o ipamigay sa sinumang interesado dahil itinuturing ngayon ng kanyang pamilya na “suwerte” sa kanila ang nasabing kalabaw kaya’t aalagaan niya habang ito’y nabubuhay.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES