Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Kamatayan iginanti sa bulyaw
(Irwin Corpuz)
 

Kamatayan ang sinapit ng isang lasing na lalaki na tinapyas ang kaliwang pis­ngi at halos malaslas ang leeg makaraang pagtatagain ng isa sa tatlong kalalakihang binulyawan ng biktima habang magkakaangkas sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Antipolo City.
Sa ulat ng tanggapan ni Supt. Raul Bargamento, hepe ng Antipolo City Police, kinilala ang nasawi na si Julito Bantogan, 48, may-asawa at naninirahan sa Purok 2, Barangay Calawis ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ang mga suspek na nakilalang sina Jemson Cortes, 29; Hadjie Dellera; at isang alyas Moro na umano’y mga kalugar ng biktima.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang noo’y lasing na biktima.
Binulyawan umano ng biktima ang mga suspek na magkakaangkas sa motorsiklong walang plaka.
“Hoy, wala kayong ilaw ang bilis n’yong magpatakbo!” sigaw umano ng biktima. Bigla siyang binalikan ng mga suspek at nagkaroon ng matinding sagutan ang mga ito.
Habang nagsasagutan, biglang bumunot umano ng dalang itak ang isa sa mga suspek at walang habas na pinagtataga ang biktima dahilan para matap­yas ang pisngi nito at halos maputol ang leeg.
Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga operatiba ng pulisya sa lugar para madakip ang tumakas na mga suspek.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES