Dec. 27, 2008 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Ex-OFW kumain ng bala
(Juliet de Loza)
 

Tinotoo ng isang 55-anyos na lalaking dating overseas Filipino worker (OFW) ang pagbibiro umano nito na huling Pasko na niya ang taong 2008 matapos magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang bubunga kahapon ng hapon sa Tondo, Maynila.
Kinilala ni PO2 Jay Santos ng Manla Police District-Homicide Section ang nasawi na si Oscar delos Reyes, may-asawa, taga-Makati City at dating nagtrabaho sa Saudi Arabia.
Nabatid sa imbestigasyon ni PO2 Santos na dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang pagpapakamatay ng biktima sa loob ng bahay ng kanyang ina sa 434 Callejon corner Del Rosario Sts., Gagala­ngin, Tondo.
Nagkakasayahan umano ang biktima, mga kapa­tid nito at ilang kamag-anak sa bahay ng ina nilang maysakit nang magpaalam si Oscar na pupunta sa banyo.
Gayunman, imbes na sa banyo magtungo ay nagtuloy sa isang kuwarto ang biktima.
Tiyempo namang napadaan sa kuwarto si Alexander Francisco, houseboy ng pamilya Delos Reyes, at nakitang nakasubo umano ang dulo ng baril na kalibre .22 sa bunganga ng biktima. Tinangka umanong pigilan ni Francisco si Oscar subalit itinaboy siya kaya nagpasyang magsumbong na lamang sa mga kamag-anak ng biktima.
Pero pagtalikod pa lamang umano ni Francisco ay nakarinig na siya ng putok ng baril at duguang bumagsak ang biktima.
Ayon sa mga kapatid at kamag-anak ng biktima, madalas umanong magbiro ang nasawi na hu­ling Pasko na niya ang taong 2008.
Sa kabila nito, inaalam pa rin ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES