Dec. 24, 2008 Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Ligaya sa kapaskuhan
Kuya Rom
 

Dear Kuya Rom,
Sa pagnanais kong magkaroon ng boyfriend sa kapaskuhan, nagawa kong sagutin ang lala­­king isang buwan na nanliligaw sa akin. Siya ay 20 years old at ako naman ay 19. Nagkakilala kami noong November sa isang birthday party. Kaibigan siya ng kaibigan ko.
Tatlong linggo na kaming mag-boyfriend, ku­makain sa food court sa mall at namamasyal. Pero nitong huli naming panonood ng sine, sobra ang kanyang ginagawa, masyado siyang aggres­sive at mabilis. Sabi niya kung nasisiyahan ako, ituloy raw namin. Pero hindi ko masabi sa kanya na kinikilabutan ako sa kanyang ginagawa sa­pagkat gusto ko siya. Gusto niyang marinig na nasisiya­han ako, pero hindi naman talaga, pagkat natatakot ako. Ano po ang gagawin ko sa sobra niyang bilis? -- Teena

Dear Teena,
Ihinto mo ang b­ilis. Nangangahulugan ito na hindi ka makikipagkita sa kanya mula nga­yon. Para sa iyong proteksyon. Kung magpipilit siyang maki­pagkita sa iyo, sabihin mo ang totoo, umiiwas kang ma­ki­pagkita sa kanya sapagkat kinikilabutan ka sa ginagawa niya at paki­ramdam mo’y ginagamit ka lamang niya para sa kanyang pisikal na pa­ngangailangan at hindi para mag-alay ng tunay na pag-ibig sa iyo.
Kung gusto mo pa rin siya sa kabila ng kabastusang ginagawa niya sa iyo, maingat kang magpatuloy. At sa sanda­ling maging maliwanag sa iyo na katawan mo at seks lamang ang gusto niya, tumakbo ka papalayo at huwag mo na siyang balikan pa. Hindi siya ang lalaking magbibigay sa iyo ng tunay na pagmamahal.
Ang tunay na pag-ibig ay maingat, marahan, magalang, mali­nis at responsable. Batay sa iyong kuwento, siya ay iresponsableng tao, makasarili at wala siyang pakialam kung sino ang masasaktan at kung anuman ang kahihinatnan ng kanyang ginagawa maisakatuparan lamang ang gusto niya.
Mag-ingat ka. Hindi dahil sa gusto mo siya ay hahayaan mo na lamang na sirain niya ang pagkatao mo. Kung hindi ka niya iingatan, responsibilidad mo na ingatan ang iyong sarili. Kung hindi ka mag-iingat sa iyong sarili, walang taong mag-iingat sa iyo.
Bata ka pa. H­uwag kang magmadali sa paki­kipagrelasyon. Ang isang buwang ligawan ay hindi sapat para makilala mo ng lubusan ang isang lalaki. Ang tunay na pag-ibig ay unti-unting namumukadkad. Kung baga sa bunga, hindi hinog sa pilit. Sa isang magsasaka, hindi niya kailanman gagapasin ang palay kung hindi pa ito handang anihin. May proseso. May paghihintay. Ang lahat ng bagay na gawa ng Diyos ay may proseso at nangangailangan ng matiyagang paghihintay. Ang pagmamahalan na ayon sa Diyos ay ganoon din.
Ang pakikipagrelasyon ay may tamang panahon. Sa iyong edad, ang dapat mong pagtuunan ng atensyon, lakas at panahon ay ang pag-aaral, at hindi ang pakikipagrelasyon.
Ang edad 24 ay maituturing na tamang panahon para sa isang babae para makipagrelasyon. Habang ikaw ay wala pa sa tamang edad, manalangin ka sa Diyos at hingin mo na bigyan ka Niya ng karunungan at gabay sa pagpili ng lalaking pakakasalan mo. Isulat mo ang mga katangian niya na gusto mo at ilapit mo ito sa Diyos sa panala­ngin. Kapag natagpuan mo na siya, unahin mo ang makipagkaibigan sa kanya upang makilala mo siya ng lubusan. Kilalanin mo siya sa loob ng isang mahabang panahon, isang taon o da­lawang taon.
Pagdating ng panahon na ikaw ay edad 24, kung siya ay may gusto sa iyo, liligawan ka niya. Siyempre, matagal mo na siyang gusto, kaya’t sagutin mo siya. Pagka­tapos ng anim na buwan ay magpakasal kayo pa­ra hindi kayo matuksong gumagawa ng kasala­nan. Ganyan ang isang maingat na pag-ibig na ayon sa kalooban ng Diyos na magdadala ng ligayang iyong ina­asam sa maraming kapaskuhan. God bless you!
Payong kapatid,
Kuya Rom

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES