Dec. 24, 2008 Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Wanted: 1 milyong batang mag-aaral
(Rose Miranda)
 

Naghahanap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang isang milyong batang mag-aaral na puwedeng tumanggap ng cash assistance sa part 2 ng “Pantawid Pamil­yang Filipino” program ng pamahalaan.
Sa panayam sa Malacañang, ibinunyag din ni DSWD Secretary Espe­ranza Cabral na pinagka­looban sila ng karagdagang P5 bilyong pondo ni Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo upang maipatupad ang ikalawang yugto ng programa simula sa unang bahagi ng 2009.
Dahil dito, mula sa da­ting isang milyong school children na kumakatawan sa 320,000 na pamilya ay magiging 2 milyong school children na o katumbas na 640,000  pamilya ang kabuuang target beneficiaries ng nasabing programa na u­nang inilunsad noong 2006.
Tatanggap ang bawat pamilyang beneficiaries ng P1,400 cash assistance mula sa DSWD kada buwan lalo na kung ang isang pamilya ay may mahigit sa tatlong pinag-aaral na mga anak.
Napag-alaman na pra­yori­dad sa nasabing programa ang 20 pinaka-mahirap na mga probinsiya sa bu­ong bansa.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES