Dec. 24, 2008 Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Simbahan tuloy vs ChaCha, RH bill at CARP
(Jun Tadios)
 

Nanindigan kahapon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila isasama sa pagka-upos ng taong 2008 ang mga mahahalagang krusada na isinusulong ng Simbahang Katoliko laban sa Reproductive Health (RH) bill, Charter Change (ChaCha) at Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) extension.
Sa halip, inamin ni CBCP president at Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo na magiging abala pa rin ang simbahan sa pagkalampag sa gobyerno sa 2009 habang hindi nakakatanaw ng linaw sa isinusulong na krusada.
Ayon sa arsobispo, na­ging interesting at challenging ang taong 2008 para sa CBCP dahil sa samu’t sa­ring krusada na sinamahan ng mga alagad at lider ng Simbahan.
“It got us busy and I think we have our pastoral statements and exhortations on those three issues at different times during this year,” ani Lagdameo.
Umaasa pa rin aniya ang publiko maging ang Simbahan na maliliwana­gan ang isip ng mga taong sagabal sa kanilang hanga­rin, partikular sa mga puli­tiko at lider ng bansa na ayaw pakinggan ang pakiusap ng mga magsasaka at mga halal na opisyal na lumilihis sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Nagpaliwanag din ang pangulo ng CBCP sa ipinupukol na kritisismo ng ilang grupo at pulitiko hinggil sa masyadong pakikisawsaw ng Simbahan sa usapin ng pulitika.
Aniya, bawat salita at kilos na kanilang iniaambag ay nakabase lamang sa moral grounds na siya na­mang saloobin ng taumbayan.
“We are not claiming infallibility because the issue involved is not a matter of dogma but in our discernment we feel that the issue we advocate is right,” wika ng arsobispo.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES