DECEMBER 20, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
December 19, 2012
As of 2:50 pm
U. States 41.0700
Bahrain Dinar 108.907
Can Dollar 41.6644
Euro 54.3911
Aus Dollar 43.2064
HK Dollar 5.29931
Japan Yen 0.487179
Saudi Riyal 10.9513
S’pore Dollar 33.6838
Taiwan Dollar 1.41378
UAE Dirham 11.1819
UK Pound 66.8017
 
Custom Search
Warrant of arrest
SEN. CHIZ ESCUDERO
 

Dear Sen. Chiz,

Ako po ay lumiham upang hingin ang inyong payo hinggil sa kaso ng aking bayaw.

Noong u­nang linggo ng September ng madaling-araw ay pinasok ng mga pulis ang bahay ng bayaw ko at dinala nila ang bayaw ko sa police station na wala silang warrant of arrest at wala silang ebidensya.

Kinulong nila hanggang ngayon sa police station dahil sa salang pagtitinda ng shabu na hindi naman totoo. Hindi siya involved kahit kailanman sa shabu. Sila ay nagtitinda ng cellphones, spare parts, at accessories.

Naaawa ako sa kanila dahil lubog na sila sa utang sa gusto ng ate ko na makalabas sa kulungan ang kanyang asawa. Humihingi pa ang mga pulis ng 250,000.00 pesos pero wala kaming maibigay.

May naipong pera ang ate ko na 61,000.00 pesos. Ibinigay ng ate sa mga pulis na humuli sa bayaw ko pero kinulong din ang ate ko sa kasong bribery.

Tumawag naman ang mga pulis at sinabi naman nila na i-inquest namin ang asawa niyang babae kung hindi kayo makapagbigay sa halaga ng 50,000.00. Natakot kami at nag-usap-usap kaming magkakapatid na ibigay namin ang hiling ng mga pulis para makalabas ang ate ko pero ang nakipag-negotiate ay isang leader sa aming bayan para makalabas ang ate ko.

Noong nakalabas ang ate ko, pumunta kami sa city hall para i-follow-up ang kaso ng bayaw ko at doon namin napag-alaman na no bail pala ang kaso ng bayaw ko. Hinihi­ling ko po sa inyo Sen. Chiz kung ano’ng maitutulong n’yo sa amin kung paano makalabas sa kulungan ang bayaw ko na wala naman siyang kasalanan.

Gumagalang,

Driex

Dear Driex,

Naaayon sa ating batas na ang warrant of arrest ay kailangan upang damputin ang tao na lumabag sa batas. Sa lahat ng pagkaka­taon ay dapat ipakita ng pulis ang warrant of arrest sa taong inaaresto.

Mayroon lamang apat na pagkakataon kung kailan nangyayari ang warantless arrest o iyong hindi kaila­ngan ng warrant of arrest upang damputin ang isang tao:

(1) kung ang inaaresto ay nasa kustodiya na ng mga pulis at nakakulong na;

(2) kung ang parusa sa nilabag na batas ng tao ay fine lamang;

(3) kung ang paglabag sa batas ng tao ay sakop ng summary procedure; at

(4) kung ang tao ay nahuling nasa akto ng paglabag ng batas.

Nang damputin ang bayaw mo ay walang warrant of arrest na dala ang mga pulis dahilan upang ang kanilang ginawa ay ituring na labag sa batas. Ang kanilang paghingi ng Php 250,000.00 ay tinatawag na extortion na labag naman sa ating Revised Penal Code.

Kung sa mga oras na ito ay nakakulong pa rin ang iyong bayaw ay pinapayo ko na isangguni mo at ilapit ang kanyang kaso sa isang Public Attorney’s Office lawyer.

Sumasaiyo,
Senator Francis “Chiz” Escudero

Ilakip ang pangalan at address sa inyong tanong. Ipadala ang liham sa Abante sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o ang e-mail sa saychiz@chizescudero.com. Maaari ring mag-text sa: CHIZ <space> mensahe sa 2976.

HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION