MARAMING buhay ang mababago sa pagbabalik ng Pasko na, Game KNB?, ang taunang Christmas special ng Pilipinas, Game KNB? sa ABS-CBN.
Sa pangunguna ng host na si Edu Manzano, araw-araw ay Pasko hanggang sa Disyembre 27 (Sabado) dahil dadagsa ang mga artista at dating winners ng PGKNB upang maglaro sa P1M jackpot para tulungan ang 12 benepisaryo mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
Abangan sina Mark Bautista, William Martinez, Will Devaughn at Enchong Dee kasama ng iba pang mga artista at dating winners na magtutunggali ngayong linggo para sa tsansang makatulong sa mga Kapamilyang nangangailangan.
Ang Pasko Na, Game KNB? ay paraan ng mga bumubuo sa programa na pasalamatan ang mga tagasuporta gayundin ang ipakita ang tunay na diwa ng Pasko -- isang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.
***
Nanguna sa takilya ng North America last weekend (Disyembre 12-14) ang bagong bukas na sci-fi thriller ni Keanu Reeves na The Day The Earth Stood Still ($30.5M). Ang production budget nito ay $80M.
Pangalawa ang holiday comedy na Four Christmases ($13.1M), na naka-$87.8M sa tatlong weekend.
Pangatlo ang Twilight ($8M), na naka-$150M sa apat na weekend.
Pang-apat ang animated movie na Bolt ($7.5M), na naka-$88.8M sa apat na weekend.
Panlima ang big-budget epic na Australia ($4.2M), na naka-$37.8M sa tatlpong weekend.
|