Dec. 17, 2008 Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Ruffa, priority ang mga anak
Jun Lalin
 

MAGSISIMULA bukas ang shoot nina Richard Gutierrez at KC Concepcion para sa teaser ng Valen­tine movie nilang Save The Best for Last.
Balak ng GMA Films at Regal Entertainment na ikarga ang teaser sa mga pelikulang ipalalabas sa MMFF ‘08.
Bukod sa teaser shoot nila, magpi-pictorial na rin sina Richard at KC.
Sa Biyernes ang kanilang first shooting day at tuluy-tuloy ‘yon hanggang December 23.
Magpapahinga sila sandali at magre-resume sila ng shooting sa December 27, 29 at 30.
Sa January 6, 2009 ay tuluy-tuloy na ang kanilang shooting hanggang umalis sila papuntang Palawan.
Si Joel Lamangan na ang final director ng pelikula.
Sa meeting noong Lunes nang gabi sa GMA Films office ay nagpahayag si Direk Joel na excited na siyang simulan ang Save The Best for Last.
***
Kung si Ruffa Gutierrez ang tatanungin, malabong magkaroon siya ng bagong lovelife kahit ma-annul pa ang kasal nila ni Yilmaz Bektas dahil wala raw nagkakalakas-loob na ligawan siya.
“Palagi ko na lang naririnig na may crush sa akin si ganito at ganoon. Pero walang naglalakas-loob na manligaw.
“Ewan ko ba kung natatakot sila sa akin o baka kay Yilmaz.
“As of now, ok lang na walang manligaw sa akin dahil busy ako sa mga anak ko. Priority ko sina Lorin and Venice,” sey ni Ruffa noong isang araw sa presscon ng Desperadas 2.
Malabo siyang magkaroon ng lovelife ngayon dahil mahirap ang situation niya bilang single working mom.
***
Very thankful si Richard Gutierrez sa magagandang nangyari sa kanyang career this 2008.
Bukod sa Kamandag at Codename: Asero niya na parehong toprating, kumita sa takilya ang movies niyang My Best Friend’s Girlfriend at For The First Time.
Dumami ang endorsements ni Richard (Globe, Unique, MET, to name a few).
Masaya rin si Richard dahil binigyan siya ng GMA 7 ng show na gustung-gusto niya, ang Full Force Nature (napapanood tuwing Tuesday night) na may kinalaman sa ating kalikasan.
May tie-up ‘yon sa Greenpeace, kung saan active member ang binata.
Si Annabelle Rama ay very thankful din dahil nami-maintain ng kanyang anak ang magandang career nito.
Maraming nakahandang proyekto ang GMA 7 para kay Richard at una na sa listahan ang Zorro, na magsisimula sa Marso 2009.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES