IBA’T IBA ang reaksyon ng mga kasamahan sa panulat sa pagiging emosyonal ni Marian Rivera sa preskon ng Desperadas 2 kamakalawa sa Imperial Palace Suites.
May mga naawa at mayroon ding na-cheapan o naplasktikan kay Marian.
Kesyo crocodile tears ang lumagaslas sa mga mata nito.
Diyos ko naman! Ang mga ganoong drama ay pagdududahan pa ba?
May kani-kanya tayong damdamin. Sa tingin namin ay iyon ang naramdaman ni Marian sa mga nangungulit sa buntis issue.
Ipinaliwanag ni Karylle na nabigla siya sa tanong ni Boy Abunda sa The Buzz at kaya hindi siya nakapag-react kaagad.
Sa ngiti ni Karylle habang tinitimbang kung ano ang isasagot, hayun at nasaktan niya ang damdamin ng isang sensitibong tao.
Ginatungan na rin ng iba ang nasaktan sa reaksyon na iyon. Nangyari na at wala nang magagawa kundi humingi na lang ng paumanhi kung inaakalang nakasakit ng damdamin.
Maraming fans ni Marian ang naawa sa kanya. May mga nagtatanong pa kung sinong beteranong reporter ang nagparatang kay Marian na plastikada.
Nandoon kami sa preskon pero hindi namin nasaksihan ang pinakawalang maanghang na salita ng beteranong reporter. Ang importante na lang ay mai-promote ang Desperadas 2.
Hindi rin nagustuhan ni Dingdong Dantes ang reaksyon ni Karylle sa interview ng The Buzz.
Ano ba ‘yan at magpa-Pasko pa naman eh may panibagong intriga!
***
Natawa si Carlo Guevarra nang unang kinunan ng reakyon sa pakikipag-kissing niya kay Ogie Alcasid sa Desperadas 2.
Smack lang daw ‘yun sa pisngi at leeg, pahayag ni Carlo, at may pagka-comedy kaya ayos lang.
Noong una ay medyo kabado siya pero kinalaunan ay okay na at kumportable na siya sa halikan with Ogie na nirerespeto niya.
Hindi pa raw siya handa sa mga laplapan sa kapwa lalaki sa indie films.
Si Carlo ay isa sa December birthday celebrators ng ABS-CBN Star Magic ng ABS-CBN.
***
Maganda ang role ni AJ Perez sa pelikulang Magkaibigan nina Senador Jinggoy Estrada at Christopher de Leon.
Anak ni Boyet ang papel ni AJ.
Bago pa man siya sumabak sa shooting ay nag-research na siya tungkol sa may cancer.
Alam kasi niya na ang istorya ng pelikula ay inspired sa pagkakaibigan nina Senador Jinggoy at Rudy Fernandez. Hindi eksaktong buhay ni Daboy ang tinatalakay although may similarity.
Sa pelikula ay babae ang kapatid ni AJ, at ang ina nila ay si Dawn Zulueta.
Proud na proud si AJ na makasama ang mga de kalidad na artista sa Magkaibigan na prodyus ng Maverick Films at dinirek ni Joey Reyes.
Na-review na ng Cinema Evaluation Board ang Magkaibigan at rated A ito.
Ang galing-galing daw ni Senador Jinggoy sa pelikulang ito.
***
Matagumpay ang celebrity edition ng Family Feud ni Richard Gomez.
Consistent ang pagka-toprater nito tuwing Linggo.
Saludo si Arnel Ignacio kay Goma sa magaling na pagho-host nito sa Family Feud.
Samantala, si Paolo Contis muli ang guest sa Bubble Gang sa Biyernes ng gabi.
Magaling kasi si Paolo at love na love siya ng mga taga-Bubble Gang.
***
Masayang nairaos ang PMPC Christmas Party noong Lunes nang gabi sa Rustica.
Lahat ay nag-ejoy at umuwing masaya dahil sa maraming regalong natanggap nila mula sa iba’t ibang artista at producers na nagbigay na pa-raffle.
|