LUMABAS kahapon sa Funfare column ni Tito Ricky Lo ang paliwanag ni Karylle hinggil sa kontrobersyal na ngiti na isinagot niya kay Tito Boy Abunda sa ‘Tough Ten Questions’ ng The Buzz nu’ng Linggo, na naging dahilan ng pag-iyak ni Marian Rivera sa presscon ng Desperadas 2 kamakalawa.
“If there were any misinterpretations of my smile, I clarified it when I guested on Boy & Kris. Tito Boy (Abunda) even apologized for asking me (that question).
“Tita Kris (Aquino) said kasi that it was politically incorrect for him to ask me. I just explained that no matter what I would answer or however my face would react, it would mean something. 
“Parang I was in a no-win situation. If I didn’t smile, people would say I was bitter. I was actually trying to figure out what to answer and how to phrase it properly. And then, si Tito Boy suddenly said ‘Thank you!’ and ended the interview,” eksplanasyon ni Karylle.
Ang tindi ng impact ng ngiti na ‘yon ni Kaye (palayaw ng singer-actress) kay Marian Rivera, na kahit wala ni isang salita na lumabas mula sa kanyang bibig ay nagawa niyang paiyakin si Marian.
Kahapon ay ka-text namin si Kaye at consistent pa rin siya sa kanyang NR (o no reaction) attitude sa mga patutsada sa kanya ni Marian at sa pagiging crying lady nito sa nasabing presscon.
Biniro namin si Kaye na mag-duet sila ni Ronnie Liang ng hit song nitong Ngiti sa ASAP ’08 sa Linggo. Sunud-sunod na SMILEY ang isinagot sa amin ni Kaye.
Sey niya, meron daw silang show ni Ronnie sa Tuguegarao sa Sabado. Hirit namin, saktung-sakto, bongga ‘yon kung aawitin nilang dalawa ang Ngiti (na dedicated kay Marian?).
“Wala, ‘no! Show lang. Ikaw talaga!” textback sa amin ni Kaye, na puno pa rin ng SMILEY.
Kung hindi type ni Kaye na mag-duet sila ni Ronnie Liang ng Ngiti sa ASAP, pwede nilang kantahin ng madir niyang si Zsa Zsa Padilla ang classic song na Smile (ni Nat King Cole).
Pwede rin silang mag-duet ni Christian Bautista ng Just A Smile Away (ni Gino Padilla) o kaya ay mag-solo na lang si Kaye at bigyan niya ng sariling interpretation ang With A Smile ng Eraserheads.
***
“I’m so happy that a lot of good things are coming my way,” ang masayang bulalas sa amin ni Karylle sa press launch niya bilang newest Bench Body endorser nu’ng weekend sa TriNoma.
Dahil sa kanyang bagong image kasabay ng pagiging endorser ng Bench underwear, tatanggapin kaya niya sakaling bigyan siya ng sexy roles sa TV o sa pelikula?
“Binibigyan nga ako, eh! Hindi ko pa kaya, hindi ko alam. Let’s see. Let’s see what the future brings,” sagot niya.
May offers na rin daw sa kanyang mag-cover sa iba’t ibang men’s magazine kagaya ng FHM, pero wala pa siyang tinanggap. Tama na raw muna siguro ang kanyang Bench Body pictorial, saka na ang iba pa.
Ngayong ipinasisilip na niya sa publiko ang kanyang alindog, meron ba siyang gustong ipagawa o ipa-enhance sa kanyang katawan para lalo pa siyang maging sexy?
“As a girl, it always crosses your mind. But for me, I really don’t want. I’m happy the way I am.
“Siguro kung ano… meron din naman na parts na maganda. Kunwari, sa measurements, sumakto naman ‘yung 36, eh!
“So, at least, meron ‘di ba? Kasi, ‘yung iba, both wala. So, gusto nilang magpalagay somewhere,” nakangiting sey ng 27-anyos na singer-actress.
Pansin namin kay Karylle na tila naka-move on sa siya nang husto mula sa masakit na break-up nila ng nobyong si Dingdong Dantes.
Kumusta na ang puso niya ngayon?
“Flattered. Marami kasing umaaligid! Ha! Ha! Ha! So, ‘yun lang!”
Handa na ba siyang buksan itong muli at magmahal ng iba?
“Hindi, hindi pa,” nakangiting sambit niya.
|