EMAIL mula kay Jerald Hidalgo (meiji_era07 ang yahoo username) na ang subject ay “Marky’s Death and ABS-CBN’s Insenstivity”:
“Napanood ko po sa Youtube ang kalapastanganan ng ABS-CBN sa libing ni Marky. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nila.
“Naalala ko po ang libing ng yumaong aktor na si Rico Yan. Exclusive po sa ABS-CBN ang coverage na ‘yun, hindi nakialam ang GMA.
“Ilang beses ding pinilit ng ABS-CBN ang pamilya Yan na interview-hin, hindi ito ginawa ng GMA, kasi, pinakiusapan silang huwag silang kunan ng pahayag.
“Kasi nga, dama pa rin nila ang sakit ng pagkawala ng mahal nila sa buhay.
“Sa nakita ko pong kalapastanganan ng ABS-CBN, hindi ako makapaniwala na nasabi nila sa press statement nila na trabaho lang ang ginawa nila.
“Trabaho po bang maituturing ang harassment?
“Ang ginawang ito ng ABS-CBN ay kagimbal-gimbal. Kung nagawa nilang lapastanganin ang burol ni Marky at ang pamilya nito, paano pa kaya ang mga ordinaryong tao pag nagkataon?
“Sana po ay maging daan kayo na itama ang maling ginawa nila…
“Para po sa isang magulang, masakit mawalan ng anak. Pero ang mas masakit, nawalan na siya ng anak, lalapastanganin pa ang pagkamatay nito…”
***
Matulis talaga ang dong ni Ding, huh!
Hindi siya tinigilan noon na may anak siya kay Antoinette Taus. Kahit na mag-deny pa ang dalawa ay ayaw silang tigilan ng ibang reporters na may kababawan!
Nawala ang tsismis nu’ng mawala na rin si Antoinette sa paligid at sa Amerika na nanirahan.
Ngayon namang si Marian ang itsinitsismis kay Dingdong, ito naman daw ang nabuntis niya!
Buntis daw ba si Marian Rivera now?
Smile lang daw ang isinagot ni Karylle nu’ng siya ang tanungin ni Boy Abunda.
Ano nga kaya ang ibig sabihin ng mahiwagang smile ng daughter ni Zsa Zsa Padilla?
Na buti na lang at hindi siya natsismis na nabuntis ni Dingdong nu’ng sila pang dalawa?
***
I’d like to thank our fellow writers na nakaalalang bigyan kami ng Christmas gifts no matter how simple, alam naming galing sa puso nila.
The first ones are Pilar Mateo, Glenn Sibonga & Erlinda Rapadas. Sa executives, pinakauna si Malou Santos ng Star Cinema.
Sure ako na marami pang susunod diyan, ako pa?!
***
Ayaw man naming panoorin ang Games Uplate Live eh naiiwang bukas ang TV namin na 24/7 kaya we can’t help na sulyapan din si Jaymee Joaquin na pumalit sa puwesto as host ng ikinasikat noon ni Mariel Rodriguez.
Nagustuhan namin si Mariel dahil sa pabulol na hosting niya and she herself corrects herself!
Nu’ng Lunes nang gabi, ang sabi ni Jaymee: “in the coming days to come.” Oh debah, naaliw kami!
Si Jaymee ay siyang umukopa sa dati naming one-bedroom suite sa Kadir Condominium above the Figaro Cafe sa harap ng ABS-CBN.
She’s now sleeping on the bed na dati kong tinutulugan.
Maabot din kaya ni Jaymee ang kasikatang inabot ko?
Siguro. Kung mapapatuloy siya sa kapalpakan niya. Like last Monday evening na ang caller ay P1,000 lang pala ang napanalunan ay inanunsyo ni Jaymee na nanalo ito ng iPod o celfone na hindi naman pala!
Binawi niya ang inanunsyo niyang napanalunan ng caller. Hindi kaya super naimbudo ‘yung winner?
Ang galing-galing ng mga naha-hire ni Kuya, ha!
***
Bakit naman tinawag na mga bobo ang cast ng One Night Only nu’ng presscon for the movie?
Nainis daw si Mario Bautista dahil sa hindi maayos na sagot ng cast sa tanong na kung sino ang gusto nilang maka-one night stand?
Sumagot daw si Jon Avila na si Empoy ang gusto niyang maka-one night stand. Bobo ba ang ganoon?
Malay n’yo kung seryoso si Jon Avila sa sagot niya? Kapanta-pantasya namang talaga si Empoy, debah naman?
Wow, kanya-kanyang gimik na ang MMFFP entries, ha?! Nauna itong One Night Only, sinundan ng Desperadas 2. May nangyari rin pala sa Baler preskon. Minasama pa ang pagbibigay ng P5,000 ng isang aktor sa raffle, huh! Mga walang pasalamat?
Sino pa kaya ang susunod na magpapapreskon niyan? Ay wala na, premiere night na po.
Lagot! Wala nang raket ang mga gaka!
|