Dec. 17, 2008 Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
‘The Buzz’ todo satsat sa isyung nilapastangan ang burol ni Marky!
Abu Tilamzik
 

ANG haba ng pag-e-emote ng The Buzz bilang sagot sa statement ng Startalk tungkol sa coverage nila sa burol ni Marky Cielo, pero hindi nila tinumbok ang totoong isyu.
Ang daming pinalutang sa kanilang statement. Nandoon ang respeto, pakikiramay sa pamilya ni Marky ang isa raw sa pakay nila roon, at pagtugon sa kanilang responsibilidad bilang miyembro ng media.
Wala raw talagang isyu. Nilagyan lang daw ng isyu ang pagpunta nila roon.
Maayos at tahimik daw ang sitwasyon hanggang nakaalis sila sa Benguet.
Ang haba! Ang daming satsat!
Pero hindi nila sinagot ang totoong isyu (dahil talagang may isyu).
Paano nila masasabing tahimik ang kanilang pag-cover doon hanggang sa nakaalis sila?
NAGWALA na ang ina ni Marky at nakatikim ng SAPOK ang isa sa mga staff nila mula sa Mommy ni Marky nang makita ang kanilang van na pumunta na naman sa burol.
Paano naging tahimik ‘yun?
Kung hindi na sana sila NAGPILIT na mag-cover sa kabila ng pakiusap ng manager at pamilya ni Marky, talagang tahimik at maayos sana.
Hindi sana ipinakita sa Bandila ang mukha ni Marky na nasa kabaong -- kahit ILANG BESES silang pinakiusapan na huwag kunan at huwag ipa­kita.
Maniniwala kaming may respeto kung sinunod ang naturang PAKIUSAP.
Doon pa lang sa Baguio, may ilang crew pa sila na may bitbit na handycam para madaling makapuslit ng pagkuha sa burol.
Respeto pa rin ba iyung PAGNANAKAW ng kuha sa burol kahit nilinaw na sa kanila na exclusive iyun sa GMA 7?
***
Balikan natin nang konti ang karanasan natin sa pagko-cover sa ganitong sitwasyon.
Mismong si Ms. Maria Ressa ng ABS-CBN ang nagsabing maayos at fair ang coverage ng GMA 7 sa Wowowee tragedy.
Sa burol kay FPJ, sino ba ang nakatikim ng matinding banat mula sa biyuda ng Da King? Hindi napigilang umiyak ni Karen Davila on air.
Nu’ng burol ni Kuya Rudy Fernandez, kinuha ng ABS- CBN 2 ang exclusive coverage ng necrological service, maayos nilang naere na walang gulo kahit nandoon din ang GMA 7.
Sumunod sa pakiusap ang mga taga-GMA 7 kaya hindi sila nakatikim ng sapok at pagtatalak mula sa namatayan.
Ang sa amin lang, linawin n’yo ang ipinagdiinan ninyong respeto, PAKIKIRAMAY at paghingi ng tawad sa pamilya ni Marky.
Bakit hindi ninyo ipinaliwanag kung bakit mas concerned pa si Kris Aquino sa suot na relo ni Ruffa Gutierrez habang ibinalita ni Kuya Boy Abunda ang pagkamatay ni Marky noong Disyembre 7 at tapat itong nakiramay sa pamilyang naiwan ng young actor?
***
Hindi namin gaanong napiga si Tito Joey de Leon sa pag-react tungkol sa isyung hindi raw sila natutuwa sa layout ng poster ng pelikulang Iskul Bukol… 20 Years After, lalo na sa billing nila.
Ang nakarating na kuwento sa amin, hindi pinaaprub kina Tito, Vic & Joey ang layout ng poster.
Kahit kami ay hindi rin gaanong natuwa sa billing. Sa totoo lang, kahit Tito, Vic & Joey lang ang ilagay sa poster, pwedeng-pwede na!
Hindi kailangang ilagay ang ibang artista dahil napakarami nila.
Sa poster na nakita namin, angat na angat si Ryan Agoncillo, gayung hindi siya original member ng Iskul Bukol.
In fairness kay Ryan, big star siya, pero maiintindihan niya siguro na itong Iskul Bukol ay kina Tito, Vic & Joey lang naman talaga.
One line ang pangalan ni Ryan at angat na angat kahit mas malaki at malapit sa title ang pangalan ng tatlong bida.
Napansin din naming mas nauna pa ang pangalan ni Oyo Sotto kay Kempee de Leon. Kung seniority ang basehan, mas nauna si Kempee.
Hindi na nag-comment si Tito Joey nang itinanong namin ito sa kanya.
Ang latest na narinig namin, mapipilitan ang OctoArts na palitan ang poster. Ewan ko kung mahahabol pa nila ito sa billboard.
Isang taga-OctoArts daw ang nagmarunong at nakialam sa layout n­a hindi man lang ito ku­munsulta sa tatlong bida.
Ang taong ito ay kinairitahan din ni Manay Lolit Solis dahil hindi ito tumupad sa usapan nila sa billing ni Paolo Contis sa One Night Only.
Bahala na si Manay Lolit magtalak kung sino ang pakialamero at nagmamarunong na taong ito.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES