|
|
PUBLIC
SERVICE
Diabetes Ang International Diabetes Federation ay nagpahayag na ang pagsuri ng post-prandial glucose (PPG) o ang dami ng asukal na glucose sa dugo dalawang oras matapos kumain ay kinakailangan upang mapabuti ang paggamot ng diabetes. Hanggang kamakailan lamang, ang pagpababa ng Fasting Blood Sugar (FBS) o ang dami ng glucose sa dugo bago mag-almusal lamang ang ipinapayo upang magamot ng mahusay ang diabetes ngunit lumalabas na ang mga ebidensiya na mas mahusay kung pati ang PPG ay bantayan at huwag palampasin sa 7-8 mmol/L o 140 mg/dL ang taas. Ang pagsuri nito ay magagawa ng pasyente mismo. Marami na ang pang-testing ng blood sugar (diabetic kit) na mabibili upang ang pasyente ay ma-testing ang sariling dugo. Ang diabetes ay isang sakit na panghabambuhay. Marami namang mga gamot para rito. Isa sa pinakamabisa ay ang Metformin na 50 taon na ginagamit at mabisa pa rin laban sa Type 2 diabetes. Ang insulin ay kinakailangan sa mga type 1 diabetes. Narito ang mga katotohanan tungkol sa diabetes mellitus: - Diabetes ang pang-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao sa mundo. - Diabetes ay inaakala na makakapagbawas ng 12-14 taon sa buhay ng taong may sakit nito. - Ang mga diabetiko ay 2-4x mas madalas magkaroon ng sakit sa cardiovascular system kaysa sa mga taong walang diabetes. - Ang cardiovascular disease ang pinakamadalas (50%) na sanhi ng kamatayan ng mga diabetiko. - Hanggang sa 70% ng lahat ng naputulan ng paa ay dahil sa diabetes. - Diabetes ang nagdudulot ng 35-45% ng bagong kaso ng end-stage renal disease (sakit sa bato) kada taon. - 10-20% ng mga diabetiko ay namamatay ng dahil sa sakit sa bato. - Diabetic retinopathy (sakit sa mata na nakakabulag) ay nangyayari halos sa lahat ng mayroong type 1 diabetes at 77% ng mayroong type 2 diabetes na nabuhay ng 20 taon na mayroong diabetes. - Ang diabetic retinopathy ang dahilan ng halos 5% ng 37 milyong kaso ng pagkabulag sa buong mundo. Huwag kayong mag-atubili. Magpa-testing kayo ng blood sugar upang malaman kung mayroong diabetes at kung mayroon, magpagamot. Halos lahat ng government hospital ay mayroong mga doktor, lalo na ang mga dalubhasang endocrinologist at diabetologist na gumagamot ng mga diabetiko. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|