December 13, 2009 Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
 
  HEADLINES
 
 
 
  SPORTS
  GREETINGS
 
 
 
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Iza, mainit ang Pasko
(Allan Diones)

MASAYA ang Pasko ni Iza Calzado dahil mero­n na siyang sariling bahay.
Lumipat siya noong Agosto sa Acropolis house na nabili niya kay Rufa Mae Quinto.

Halos kumpleto na ang mga gamit sa bahay. May mga konting detalye na lang na kulang tulad ng paglalagay ng paintings.

Merong isang kuwarto gusto niyang baguhin dahil napansin niyang parang hindi maganda ang energy rito.

“It’s not a mansion, ha? It’s not. But it’s a good home and in a good location. I cannot complain. But at the same time, I have to work really hard for that house,” bulalas ni Iza nang makausap namin siya kamakailan sa presscon ng filmfest entry ng GMA Films at Imus Productions na Ang Panday.

Bungalow-style ang nasabing bahay kaya hindi kasama roon ni Iza ang tatay niyang si Lito Calzado.

Hindi malamig ang Pasko ni Iza dahil kapi­ling niya ang non-showbiz boyfriend niyang si Atticus King.

“Malamig ang panahon. Ang panahon lamang! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.
So, aminado siyang mainit ang Pasko niya?

“Masaya po ang Pasko ko. As always, dapat la­ging masaya ang Pasko.”
Sila ba ng nobyo niya ang ang magkasama sa Pasko?

“Hindi ako sure, eh. Family siguro. Kasi, malayo sila eh, ‘yung family niya. Teka lang. Ayoko. No!

“You’re making me answer questions about him! No! About me lang!” natatawang dayalog ng aktres.

Na-meet na niya ang pamilya ni Atticus (na may-ari ng isang sikat na motel chain sa bansa), pero ayaw niya itong pag-usapan dahil mas gusto nilang tahimik lang, tutal ay hindi ito taga-showbiz.

Kaya pala palaging umiiwas si Atticus na makunan ng TV camera, ‘di ba?
“Okey lang siguro pag nandiyan na. Hindi siya mambabastos ng press or anything. Hindi siya magagalit. Pero hangga’t maiiwasan, alagaan ko na lang. Pag ready na siya, okey!”

May sexy topless pictorial si Atticus sa bagong isyu ng Metro magazine. Kasali ito sa Metro Bodies 2009.

Mga ilang buwan na ba silang happy together ng nobyo niya?
“Ay naku, huwag gano’n. Sa amin na lang ‘yon. Walang timeline. Sa amin na lang ‘yon. Basta, happy ako!” nakangiting sey ni Iza.

Samantala, first time makatrabaho ni Iza si Sen. Bong Revilla sa Ang Panday. Kumusta si Bong bilang kapareha?

“Makulit siya, pero mabait, gentleman. At saka in command.
“Kasi siyempre, ang nakikita ko, hindi lang ‘yung leading man kundi ‘yung producer din ng pelikula.

“One time, na-late siya nang dating sa set. Kasi, he’s always on time, eh. Tapos, talagang siya ‘yung nag-a-apologize. He’s very humble.

“Hindi niya pinaramdam na porke siya ‘yung producer at leading man at siya si Sen. Bong Revilla, eh ipaparamdam na niya na, ‘Hoy, maghintay kayo sa akin! Wala akong pakialam!’”

Kumusta namang kahalikan si Sen. Bong?
“Tanungin mo si Ms. Lani (Mercado)! Mas maraming beses na silang naghalikan! Ha! Ha! Ha!”


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT
Place your ads here
Microsoft Internet Explorer 7
FEATURES