|
RP fencers may 1 ginto, 2 pilak pa
|
SPORTS
UPDATE
Commercial league ang kasagutan Nakhon, Rachasima --- Nang tumaob ang RP women’s team sa Thailand 70-54, December 9, isang katotohanan ang nakita ni SBP executive director Pato Gregorio na narito sa Nakhon Rachasima upang suportahan ang men’s at women’s team natin na kumakampanya sa 24th Southeast Asian Games. Sa men’s, walang problema dahil tiyak na tiyak nang makukuha ang gold medal, pero ang women’s, bagama’t isa pa lamang ang talo ay sinasabing silver medal na lamang ang pinakamataas na medalya ang maaring iuwi ng Pilipinas. Not bad para sa isang koponan na ilang buwan lamang nagkasama-sama para sa silver medal performance kung sakali. Pero ang potensiyal na maging gold pa ay napakalaki. Nung nakaraang Abril sa Seaba, ang Thailand din ang dumaig sa mga Filipina para sa medalyang ginto. That time, 16 points din lamang ang abante sa kanila. Dito sa Sea Games, 16 points din at iyon din ang players na ginamit ng defending champion Thailand laban sa kanila at marahil kung naging patas lamang ang tawagan baka natalo man eh tiyak na nahirapan ang Thais bago nakuha ang panalo. Dito pumasok ang magandang edeya ni SBP executive director Pato. Pasasaan ba’t mailalaglag din ng Pilipinas ang Thailand bilang reyna ng women’s basketball sa Asean region. Pero kailangan ang isang very sound long range program. Kasama sa sinasabing programa ni Pato ang paghahanap pa ng mga potensiyal na talento sa abroad tulad ng United States at ang pagkakaroon ng year-long commercial league tulad ng V-League sa volleyball. Oo nga naman, May malaking punto doon si Pato, kaya lang problema kung ay kung sino ang tatayong sponsor. Kung sponsor ang pag-uusapan nariyan ang mga malalaking kumpanya na hawak at pagma-may-ari ng SBP president Manny V. Pangilinan. Ang commercial league rin na sinasabi ni Pato ang magsisilbing daan upang makadiskubre pa ng mga talento na magpapalakas pang higit sa national team. Well sa tingin ko eh, maganda ang edeya ni Pato at sa tingin ko eh, sasangayunan siya ng iba pang opisyal sa SBP. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|